Note: may slight changes po akong binago sa chapter 1, naalala ko po kasi na buntis na si Cheska sa part na ito at merong scene doon na binanggit ang tungkol sa pagkakape niya... I decided to edit that scene since hindi advisable para sa buntis ang uminom ng kape... Anyway, thanks for giving your time in reading my stories. Sana ay patuloy n'yo pong suportahan ang story. This chapter is dedicated to DislagJulieAnn. Thank you sa pag-appreciate sa story.God bless us all.
Chapter 2:
"Good morning, Sir." bati ng mga empleyado kay Andrew na tinanguan lamang ng huli pagkuwa'y agad ng dumiretso sa private elevator na nakalaan para sa mga big bosses ng kumpanya.
"Update about my schedule for today." iyon ang ibinungad niya ng salubungin siya ng kanyang sekretarya paglabas niya mula sa elevator.
"You have an early lunch meeting with Mr. Laxamana. Then at 3 may board meeting po para sa bagong product na ilo-launch next month. By the way, tumawag po pala si Sir Clarence. Nai-close na raw po niya iyong deal doon sa bago nating supplier." sagot ng sekretarya habang nakasunod kay Andrew papasok ng private office nito.
"Okay, thank you. You may leave for now. Tatawagin na lang kita if there's anything I need for you to do."
Iniwan na nga siya roon ng kanyang sekretarya. Hinubad naman niya ang coat niya at ipinatong iyon sa swivel chair. Pagkatapos, hinarap na niya ang mga dokumentong nangangailangan ng kanyang approval at pirma.
Nasa aktong pagpirma na si Andrew sa pangalawang dokumento na pinag-aaralan nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa kanyang mesa. Napakunot ang kanyang noo dahil unregistered number iyon. Gayunpaman, inabot pa rin niya ang cellphone at sinagot ang tawag na iyon.
"Hello?"
"Kuya! Si Trixie ito." ani ng nasa kabilang linya.
Si Trixie ay pinsan niya sa mother's side. Nagtataka siya kung bakit iba ang numerong gamit nito at ang dahilan ng biglang tawag kaya naman tinanong niya ito.
"Uhh umalis muna ako roon kuya. Masyado na kasing toxic ang hangin sa Davao, e." at nagkunwaring natatawa. "Kuya, can I ask a little favor?"
"Ano...busy ka ba?" tanong pa ng dalaga dahil hindi siya umiimik.
"Not really. I'm just reading some documents here pero may mga meetings ako.Why are you asking?" –Andrew
"Ano...Narito kasi ako ngayon sa airport. Puwede mo ba akong sunduin? Saka puwede bang makituloy muna sa inyo?"
"What? Why so sudden? Alam ba nina uncle 'yang pagpunta mo rito?"
"No, and please kuya h'wag na h'wag mong sasabihin sa kanila..."
BINABASA MO ANG
Gonzales Empire Series 2: BE MINE AGAIN (Major Editing/ Very Slow Update)
RomanceA/n: I decided to revise the story. I sincerely apologize for doing this. Nawala po yung momentum ko at hindi alam kung paano itutuloy ang susunod na eksena. Feeling ko pinipilit ko di na ko satisfied parang pilit na lang ginagawa ko...Masabi lang n...