Chapter 1

101 2 6
                                    

Chapter 1:

Alas kuwatro y medya pa lang ng umaga at karaniwan na pulos kasambahay lamang ang nagigising sa ganoong oras o di kaya nama'y iyong mga tao na kinakailangan na kumayod at maging maagap sa paghahanap-buhay upang masustentuhan ang sarili pero hindi si Cheska.

Araw-araw mula noong siya'y ikasal, sinanay na niya ang gumising ng maaga upang asikasuhin ang pangangailangan ng kanyang asawa. Sinisikap niyang maging mabuti nitong maybahay. Naroong ipaghanda niya ng almusal ang kabiyak, ihanda ang mga gagamitin nito sa trabaho, o kahit na ang simpleng makasama ito o magkaroon man lang maski kaunting oras para sa isa't isa dahil simula nang magsama sila ng kanyang asawa'y hindi lumagpas sa bilang ng mga daliri niya ang oras na nag-usap sila nito. Masyadong abala ang asawa niya sa trabaho kaya siya na ang nagdesisyong mag-adjust. Wala namang problema iyon sa kanya dahil nais niyang tularan ang ginagawang pagsisilbi ng kanyang mommy sa daddy niya.

Gusto niyang paluguran ang kanyang asawa.

Gusto niyang iparamdam dito na lagi lang siyang nasa tabi nito kahit pa dinaig niya ang hangin kung ituring ni Andrew. Iyon ang pinakamasayang araw para kay Cheska subalit iyon rin ang pinakamasakit. Ilang buwan na mula noong sila ay magsama at tumira sa mansyong iniregalo pa ng mga magulang nila. Maganda ang buong bisinidad at kumpleto sa mga kagamitan. Napalilibutan ng iba't ibang klase ng mga bulaklak ang hardin af mayroon ring malaking swimming pool na siyang pinakagusto niya na magkaroon kapag siya ay nagpatayo na ng sarili niyang tahanan. Ayos na sana ang lahat dahil natupad na ang pinakaasam na maikasal sa taong pinakamamahal subalig hungkag naman ang kanyang pakiramdam.

Feeling niya siya'y nakakulong sa hawla, nasasakal at nahihirapang huminga...

Parang wala na nga ring katapusan at wala ng paraan upang makawala. Kung mayroon man, ayaw din niya dahil ang kalayaan mula sa sitwasyon kung nasaan siya ay nangangahulugang kailangan niyang iwan ang kanyang asawa.

Hindi niya kaya... Kahit masyadong mailap at mahirap paamuhin, ayaw niyang sukuan ang kanyang asawa. Hindi niya kayang bitawan ang pagmamahal niya para kay Andrew dahi alam niyang darating ang araw na makikita nito at matatanggap ang nararamdaman niya. Naniniwala siyang may magandang dulot itong paghihintay niya dahil sabi nga ng kanyang mommy, "Good things come to those who patiently waits."

"Cheska, iha, saan ko ito dadalhin?"

Naputol ang pag-iisip niya dahil sa tanong ni manang habang dala ang niluto niyang almusal.

"Sa dining area na lang po. Basa pa po kasing tiyak ang mga upuan at mesa sa may veranda dahil sa lakas ng ulan kagabi."

"Siya sige. Lilian, isunod mo na nga lang ang mga iyan." tukoy ni manang sa bandehado ng kanin maging sa pitsel na may timplang juice.

"Opo." -Lilian

Samantala, nagpasya naman si Cheska na lumabas ng kusina upang puntahan ang asawang naroon sa silid nila para yayaing mag-almusal ngunit bago pa niya iyon magawa ay nakita na niya itong nagmamadaling bumaba.

"Good morning. Pupuntahan na sana kita para ano...s-sabay na tayong mag-almusal. Tapos na kong magluto—"

"Manang!" sigaw ni Andrew. "Manang!" tawag nitong muli at sa naiiritang tono ay binalingan siya. "Tumabi ka nga!" Hindi pa nagkasya sa bulyaw at tinulak pa siya nito kaya naman muntik na siyang matumba. Buti na lamang at naagapan niyang humawak sa mini table na pinapatungan ng mga pictures nila.

Gonzales Empire Series 2: BE MINE AGAIN (Major Editing/ Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon