"Hiram"

1 1 0
                                    

Andami kong nakikitang post na nagpahiram sila ng books pero nung binalik, sira-sira na. Minsan nawala pa.

Kapag nanghiram ka ng kahit anong gamit, ibalik mo nang nasa tamang kondisyon. Kahit anong gamit. Ballpen, libro, art materials, clothes etc...
Kung anong itsura nun nung hiniram mo, ganun mo rin ibalik.

Kapag tinanong ka ng may-ari "Uy nasaan na yung hiniram mo?"

Ang sagot mo "Ay nawala. Nasira yung ganito o yung ganyan"

Syempre magtatanong ulit yung may-ari "Bakit nasira, bakit nawala?"

Tas magdadahilan ka "Kasi ganito ganyan. Yaan mo na. Mura lang naman yun"

Dude! Wala yun sa halaga. Wala yun sa kung mura o mahal ang bili nung may-ari.

Andun yun sa kung paano mo hindi iningatan yung bagay na ipinahiram sa'yo.

Kasi in reality, hindi naman yung gamit ang nasira kundi yung tiwala nung taong nagpahiram sa'yo.

Sa susunod hindi kana pahihiramin niyan. Tapos sasabihan mo ng madamot.

Tandaan mo na kaya ka niya pinahiram ay dahil may tiwala siya sa'yo kaya huwag mong sirain yun.

TINIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon