Hindi ko makalimutan at never ko makakalimutan yung tweet ni Chito Miranda noon.
"Kung vlogger kaibigan mo, panoorin mo mga videos niya.
Kung artist kaibigan mo, magbayad ka ng tama at 'wag mong baratin.
Kung singer kaibigan mo, punta ka sa gigs niya.
Kung writer/author kaibigan mo, bilhin mo books niya at huwag mong hingiin.
To make it short, suportahan mo ang passion nila"
Ang point, huwag mong idaan sa koneksyon.
Stop saying "parang hindi kaibigan", idepende mo sa sitwasyon ang pagsasabi niyan kung ayaw mong masabihan ng ibang tao ng "kaibigan kasi siya kaya madali siya nagkakaron, hindi na kailangan gumastos", "kapit sa koneksyon", "hindi kayang magprovide para sa sarili."
Pwede mong sabihin 'yan kung minsan ka niyang nakitang nadapa tapos hindi ka man lang tinulungan, "parang hindi kaibigan."

BINABASA MO ANG
TINIG
RandomAng librong hindi naglalaman ng kwento ngunit sumasalamin sa iba't-ibang anggolo ng publiko at lipunang ginagalawan mo...