𝔉𝔦𝔯𝔰𝔱 𝔖𝔥𝔬𝔱

7 0 0
                                    

Hujane POV:

It hurts seeing the future of your child will be a burden,full of responsibilities,and even if she is still in my womb,she is destined to be the next generation BOSS of Russia,Yes,my family is not normal.We are different from others

Gusto ko tumakas,gusto ko ilayo ang magiging anak ko,pero paano?makapangyarihan ang ama ko,at ako pa din ang BOSS ng Russia sa Starlight Organization,may responsibilidad pa din ako.

"Natatakot ako,Franco.Pitong-taong gulang lamang ay isasabak na sya sa Training,mahihirapan sya"sabi ko sa asawa ko habang hinihimas ang walong-buwang tyan ko,oo buntis ako sa Panganay ko.

"Kailangan natin itong harapin,makakatulongdin ito para sa kaligtasan nya,tiwala lang tayo,we will support her no matter what"may pinalidad ang boses nito,natural sa Asawa ko iyon.

"Pero paano kung hindi nya kayanin?brutal masyado ang training na yon?alam ko kasi noon nangyari na sa akin iyon"naiiyak na ako,takot,galit,pagsisisi.Halos di ko na mapangalanan ang iba

"Shhh,ako na bahala,iingatan natin sya,hahayaan muna natin maranasan nya ang pagkabata,gagabayan natin sya,at pag handa na sya,tsaka natin hahayaan na makapasok sya sa organisasyon"ani asawa nya.

wala naman ako magagawa,kahit ano gawin ko nakatadhana ito,noon si Papa lang ang namamahala sa ikalawang posisyon,at nahati iyon sa pito.Africa,Antartica,Asia,Australia,North and South America

Dahil sa pito kami naging anak ni Damien at Heredith Yevhen.Sa aming pito ipinangalan ang bawat lugar na iyan,At sa lugar na iyan kami ang pumuprotekta,ngayon at sa susunod na henerasyon ang bawat panganay ay syang hahalili sa pwesto namin.

Ako,si Humility Jane Yevhen Alvarez ang unang Boss ng Asia,panganay ng mga Yevhen,ay siya ring unang magsisilang ng Susunod na hahalili sa sa aming posisyon.

ISANG linggo na lamang at manganganak na ako,iyon ay ayon sa aking OB.

"Mahal?kailan dadating ang Papa?"tukoy ng asawa ko sa Ama ko.

"Pagka-panganak ko daw,bibinyagan nya ang sanggol"ako,oo tanggap ko na dahil makabubuti rin naman ito sa anak ko.

"Ahhh ganun ba,pra mapaghandaan naman kako"lumuhod ito para pantayan ang tyan ko"Anak,excited na si Papa na makita ka,ikaw ang magiging Prinsesa ko,sana maintindihan mo kami pag-laki mo"aniya at hinalikan ang tyan ko

Gumalaw ang bata sa sinapupunan ko tanda na nararamdaman nya ang ama nya.

Papunta na kami sa kusina ng maramdaman ko na parang humihilab ang tyan ko,medyo nawala naman ng huminto ako,pero sandali lang pala iyon,dahil bigla na namang sumakit.

"Ah!"napahawak ako sa braso ng asawa ko na naka-alalay sakin

"Ano nangyayari?ano masakit?"kinakabahang tanong ng mister ko

"M-manganganak na ata ako!!!Ahhhhh!!!"

Binuhat naman nya ako at dinala na agad sa ospital,matagal ako naglabor,at ng sabihin ng doktor na ready na lumabas ang anak ko,binigay ko ang lakas ko,kailangan ko iligtas ang anak ko.

Saktong 12am ng lumabas ang anak ko,para siyang bituin dahil yung mata nya black na black ang pinaka bilog nito,pag natapatan tuloy ng ilaw kumikinang,

Nakatulog ako matapos ko manganak,pagkagising ko,nakangiting mukha ng asawa ko ang naabutan ko,hawak nya ang anak namin.

"Napaka-ganda nya,she looks like me,but her Eyes looks like yours"aniya.

Totoo yon,wala halos nakuha ang bata sa akin pwera lang sa mata nya.

Hawak ko ang anak ko ng bumukas ang pinto at lumabas mula doon si Mama at Papa.

"Nasaan ang bata?"malumanay pero medyo ma-awtoridad na tanong ni Mama.

Binigay sya ng asawa ko sa Mama ko.Ngumiti si Mama at Papa.

"Nakuha nya ang Mata mo,Hujane.Ano ang ipinangalan mo sa bata?"si Papa.

"Astrea,dahil para syang bituin para sa akin"nakangiting tugon ko.

"Bilang panganay na Apo,siya ang simula ng 7Deadly Sins.Kung kayo noon ay ang 7Contrary Virtues,kabaligtaran sila"si Papa

"What are you trying to say Papa?"ako

"Karugtong ng ngalan natin ang kakaibang pagkakakilan-lan,at Hindi lang Astrea ang magiging pangalan nya balang araw,maaari ko bang pangalanan ang apo ko?bilang tanda ng pagbibinyag nya,sa pagiging tagahalili mo sa pwesto?"si Papa.

Eto na,simula na magiging ganap na Yevhen ka na anak,mahal kita.

"Opo,tinatanggap ko,bilang ina ng batang nasa inyong bisig ngayon,nais ko ang kaligtasan nya,at tinatanggap namin ang responsibilidad namin bilang gabay ng susunod na Leader ng Asia"iyan ang linyang bibitawan namin.

"Kung gayon?maligayang pag-silang aking Apo,ikaw ay magiging si...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
...Astrea Pride Yevhen-Alvarez,Ang Unang-Alas"

7Deadly Sins1:𝓟𝓻𝓲𝓭𝓮Where stories live. Discover now