𝔅𝔲𝔩𝔩𝔢𝔱11

0 0 0
                                    

Star War 1

Astrea POV:

Naalimpungatan ako ng maramdamang may mabigat na bagay sa kaliwang braso ko,una hindi ko pinansin pero gumagalaw.

Idinilat ki ang mata ko,only to find out that River is laying in my arms.

Napangiti ako kasi parang anak ko tong Tigreng to,buti dumating sa buhay ko ang baby ko na to.

"River"tawag ko sa alaga ko na kala mo mantikang natutulog"Hoy,papasok ako ngayon,langya ka"sabi ko pa.

Hindi pa din kumikilos at dumilat lang tapos puminit ulit.

"Langya ka,bahala ka dyan,wag mo lang dudumihan higaan ko ha?"sabi ko at inalis sya sa braso ko.

Nagtuloy lang matulog ang loko.Napagod siguro kalalaro namin kahapon,Linggo naman kaya nasa bahay lang kami.

Nagbihis na ako,dapat nga susuutin ko yung jumper na binili ni Mama kaya lang naalala ko na nerd ako,ayun dating gawi,paldang saksakan ng haba at maluwag na blusa ang suot ko.

"Aalis na ako,Baby"sabi ko kay River at kiniss pa ito.

Ang bango in fairness.

Bumaba ako at nakasabay ko pa lumabas ng pintuan si Greed,magkatapat kami kwarto.

Ibig ba sabihin neto maaga ako ngayon?paano nangyari yun?

"Aga mo ngayon ah?bagong buhay?"sabi neto

"Pasalamat na lang maaga ako ngayon"walang emosyong sabi ko.

Natawa naman ang loko.

Bumaba kami at sumabay na kumain sa mga pinsan ko,gulat din sila na maaga ako ngayon.

"May ano ba?aga mo naman?"si Gluttony.

"Bagong buhay para sa anak nyang si River"si Sloth

"Baka daw kasi tularan sya,alam nyo na"asar pa ni Lust.

"Mga hangal!kumain na lang tayo at ng makapasok na!"bulyaw ko pero parang mga walang nadinig.

Nakakain naman ako ng matiwasay,kaya lang medyo maingay pa din sila.

Umalis kami ng 6:40am at nakarating sa school ng 7:00 am.

Syempre,maaga lang ako pumasok,pero late pa din ako dadating sa room.

Sila Wrath naman ay magcacutting daw,sinabihan na daw mga kaklase namin.

So ako lang papasok?buwisit naman.

Nang magbell ay pumasok na ako sa classroom,naramdaman ko ng may mali pero winalang bahala ko.Pero ganun na lang ang inis ko ng may bumagsak saking Harina mula sa pinto na may kasama pang plastic na planggana.

Nag-tawanan mga kaklase ko,nilibot ko ang tingin ko para pakiramdaman sino may kagagawan,nakita ko si JP.

Nagbilang ako hanggang tatlo sa isip ko,para sana mawala yung inis ko,pero nakaka-anim na ako wala pa din.

Kailangan ko ng mapagbubuntungan ng galit ko bago ako makasakit.

At no choice pinto lang ang meron na malapit.Sinuntok ko ang pinto dahilan para masira iyon.

Natahimik ang buong klase at napatulala sa pintuang nakalahati ko ata.Nakaawang ang mga bibig napalingon ako kay JP at nakita ko paano nawala ang kulay sa mukha nya,tinignan ko sya tsaka nginisihan.

'Eto ba gusto mo?pagbibigyan kita'

Sabi ko sa isip ko at lumabas na para magbihis.Lagi ako may dalang extrang damit.Naglinis lang ako ng kaunti at bumalik na sa room,naabutan kong nagsesermon ang Sir Pabros.

"Sino nga ang may gawa nito sa pinto?ala na ba talaga kayong pag-asa?"sabi nito,pumasok ako at itinuro nila ako.

"S-sir,sya po ang may gawa"sabi nung isang lalaki.

"S-sya?p-paano?"takang tanong ni sir.

"Bakit?di ba halata?"sagot ko

"Guidance now!"sigaw neto sakin.

"Ako lang?"tanong ko

"Ano pa ba?"balik tanong ni Sir.

"K"sagot ko at lumabas na,ngumisi pa si JP.

Kala mo di kita idadamay?mas malaki alas ko.

Pumunta ako guidance at sinabi ang ginawa ko,napanganga ang Guidance Councilor.

"Paano?eh sa kapal ng pinto dun di mo masisira yun!"naghihisteryang tanong neto.

"Maam,pag galit ka may mga bagay ka na magagawa na di mo alam na kaya mo"depensa ko.

"Eh bakit ka naman nagalit?"tanong neto.

"Binihusan nila ko harina"sagot ko

"Sino?"tanong neto.

"Mga kaklase ko"sagot ko.

"May ebidensya ka?"tanong neto.

Nilabas ko yung damit k na puro harina,pinakita ko rin yung sapatos ko at paa na may harina pa.

"Is this evidences enough?"tanong ko.

Tumango ito at sinabing papalitan ko na lamang daw ang pinto,Ginto pa ipalit ko dyan kung trip nila eh.

Bumalik ako sa room na nakangisi.Umupo ako sa tabi ni JP kasi doon naman talaga pwesto ko.

"Are you ready?"tanong ko sa kanya.

Alam kong Math ang weakness netong katabi ko,kaya napagfiskitahan ko.

Nasa mahirap na na part kung saan nagtanong si sir ng may maisipan ako.

Dala ko lagi yung laruang may kuryente,maliit lang ito na kasya sa bulsa ko.nilabas ko yun at pasimpleng kinuryente si JP ng magtanong si sir.

Napataas sya ng kamay kaya sya ang natawag,natatawa naman ako kaya yumuko na lamang ako.

"JP,what is the answer?"tanong ni sir.

"I-I d-don't know sir"sabi neto.

"Lakas ng loob mo magtaas ng kamay tapos 'I dont know' lang sagot mo?pinagtitripan mo ba ako?"galit na si Sir.

"S-sir kasi po si-"magdadahilan pa sana ang loko pero pinutol na sya ni sir.

"Magdadahilan ka pa?"hamon ni sir.

Napatahimik ang loko,pinatayo sya ni Sir buong klase,masama pa nga tingin sakin eh,matapos naman ang klase ay hindi kami pinagbreak,kasi andun na yung guidance councilor.

"So may nakarating sa aming balita na nambubully na naman kayo?tama ba?"tanong neto sa buong klase.

"Maam,si JP lang po iyon"sabi naman nung president namin.

"Sinaway na namin pero ayaw talaga"sabi naman nung babaeng Vice.

"Mr.Ronquillo in my office"sabi nito at dinismiss na ang klase.

Ako naman ay pumunta na Canteen,nandun na sila lahat.

"Ano nangyare?"tanong ni Greed.

"Binuhusan ako harina,apaka immature nila"sabi ko

"Ano naman ginawa mo?"tanong ni Wrath

"Wala"sagot ko"malakas lang talaga galit nila sakin"

"Resbak na ba?"si Gluttony.

"Wag,magsasawa din sila,kaya ko naman sarili ko eh"sagot ko.

"Bahala ka,may tiwala naman kami sa'yo eh"savi ni Envy.

"Suntok at sipa nga sinasalo mo,tapos harina lang ba magpapatumba sa'yo?imposible"iiling-iling na sabi ni Sloth.

Hindi ako basta-basta napapatumba,I am Pride,remember?

7Deadly Sins1:𝓟𝓻𝓲𝓭𝓮Where stories live. Discover now