Chapter 1

56 11 1
                                    

Melly Jenise Sanchez

Her POV

I roamed my eyes around me. Nagbabakasakaling may makakita ng paghihirap na dinadala ko ngayon. Sa totoo lang, katamaran ang paghihirap na kinakaharap ko. 

Masyadong dikit, hindi na makaalis sa pagkakagapos sa aking sarili. Uso maging masipag ngunit kakambal ko na siguro ang katamaran. Pati pagtayo kinatatamaran ko na.

Malayo ito sa gusto kong mangyari. Hindi ito ang pinaplano ko ngayong araw. Ngunit dahil nga kakambal ko ang katamaran ako'y tinatamad na ring mag-isip kung anong pwedeng gawin.

Napakaingay ngayon dito sa aming barangay. Kaliwa't kanan ang mga taong nagchi-chismisan. Malaking katanungan kung paano nabubuhay ang mga tsimosang ganito na kulang nalang sa kalsada na sila tumira. Mga plastic sa lipunan. 

At bakit ko nga ba iniisip ang ganitong sitwasyon. Malaki ang kinakaharap kong problema ngayon. Masyadong malaki at alam kong isa ako sa siyamnapung porsiyento sa papulasyon na kinabibilangan nito. Ang katamaran.

Bakasyon namin kaya hayahay na ang aking buhay. Dalawang taon na lang graduate na ako sa kolehiyo. Tapos na rin ang aking mga pending activities nung Sabado pa.

Nakaupo ako sa table, nakatanaw mula sa ikalawang palapag ng aming tahanan. Hindi ko alam kung nasaan ang aming upuan dito at wala akong panahon hanapin iyon at isa pa wala akong pakialam.

Pinapanood ang mga taong dumadaan sa mainit na kalsada sa ilalim ng araw. Tatayo lang ako rito kapag napagalitan na nang aking nanay.

"Melly! Ano ba kanina ka pa tinatawag ni Mama! Bumaba kana!"

O ng aking ate.

At yan nga po ang sinasabi ko.

"Melly you can do it! Kahit tinatamad ka, pilitin mo!" Sabi ko sa sarili habang pina-pat ang kaliwang balikat ng aking kanang kamay.

Go! Melly! Sipagin ka nawa!

Bago pa ako mabato ng kung ano ng ate ko, nagtungo na akong kusina kung saan naroroon ang aking Ina.

Kasama ang kaniyang Amiga. Na wari ko'y mangungutang na naman. Kumakain sila ng madatnan ko dun, nakatalikod si mama kaya hindi niya ako napansin.

Ito ba yung kumare nya kahapon o hindi? Hindi ko na matandaan.

"Bakit po, Mama?" Pilitin mo Melly! Hindi ka tinatamad okay? Sipagan mo please! Ngayon lang.

Napakahirap maging tamad! Juice ko!

Lumingon sa akin si mama. Na abala sa pakikipagkwentuhan sa kaniyang Amiga. Pagkalito ang rumehistro sa kaniyang mukha paglingon niya sa akin. Kaya nagsalita muli ako.

"Pinatatawag niyo raw po ako sabi ni ate" after ko masabi yun, dumoble na ang pagkalito sa kaniyang mukha.

Mukhang pinagti-tripan ako ng kapatid ko! Na naman! Arghhh! Si ate talaga! Isang malaking epal!

"Hindi kita tinatawag" sagot ng aking Ina na hanggang ngayon nakarehistro pa rin sa kaniyang mukha ang pagkalito.

Umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking ulo na wari'y pinakukuluan. Kumukulo ang dugo ko sa frustrasyon. Pinagtripan na naman ako ng aking magaling na kapatid. Juice colored!

Maawa't mahabag sa katawan kong tinatamad! 

At lalong kumulo ang aking dugo sa sunod na sinabi ng aking Ina.

"Ang ate Mary mo ang aking tinatawag kanina"

Napanguso ako sa inis.Gusto kong magwala! Kinumbinsi ko ang aking sarili papunta rito tapos malalaman kong pinagtitripan lang ako!

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon