Prologue

54 10 4
                                    

Her POV

Hindi ko alam kung anong nangyari. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Wala akong kaalam-alam sa ganito, masyadong masakit mawalan nang minamahal.

Ayoko ng ganito. Hindi kinakaya ng aking puso. Sana panaginip lang 'to.

Sobra sobra na. Tama na.

"Melly! please, nahihirapan na rin ako rito. Mahal kita, wag mong kakalimutan 'yan" umiling ako sa kaniya. Pinapabatid kong ayoko pa, hindi ko pa kayang mag-isa. Siya na lang ang natitira sa akin ngayon.

Hindi ko siya kayang bitawan ng ganon-ganon lang. Napahigpit ako sa hawak ko sa laylayan ng damit niya.

"Ma! please, wag kang aalis. Hindi ko kaya!" Humihikbing saad ko.

Hirap na hirap ako. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Masakit pala talaga. Akala ko sa teleserye ko lang 'to nangyayari.

Pinilit kong pigilan siya ngunit masyado siyang mapilit. Alam kong kaya ko nang tumayo sa sarili kong paa ngunit hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi sa ganitong kalagayan. Siya na lang ang natitira sa akin, bakit pinagkaitan pa!

Kahit malabo ang aking paningin dahil sa luhang saganang tumutulo, tinanaw ko si mama na lumabas sa pintuan ng bahay namin.

Mama! Hindi ko kaya, masyadong masakit, please wag kang aalis. Ni munting tinig ay walang lumabas. Naubos na aking lakas kaiiyak. Para na akong mamamatay. Literal. Emotional.

Napaupo na lang ako sa sahig habang umiiyak.

Nasaan na ang Melly-go-lucky ng pamilyang ito. Nasan na ang Melly'ng kilala ko. Nasan kana Melly!? Hindi ko na rin alam. Hindi ko na rin alam kung nasaan na ang Melly'ng positive thinker.

:))






A/n: hello po! Sorry kung may mga wrong grammars or typo but! I'm happy to see you here. Hope you like it.
P.s. Please do vote.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon