Chapter One

248 8 0
                                    

Chapter One

"Good Morning, Teacher Peanut!" Inabot ko ang kamay ko sa isang grade 7 student para makapagmano ito.

Sa loob ng apat na taon kong pagtuturo dito sa De Falcon School ay nakapag-adjust na rin naman ako sa mga batang nagmamano kapag may nakasalubong na teacher. Isa ito sa mga practice ng school para sa students.

Ito ang unang school na pinasukan ko no'ng naka-graduate ako ng college. Ever since I was a kid, I have the passion to teach the young so this profession has been a dream come true for me.

Dito ko rin nakilala si Alwyn.

Katatapos lang ng unang klase ko sa umaga kaya dumiretso ako sa canteen para bumili ng breakfast since bakante naman ako ngayon.

Mabuti nalang at wala pang mga bata dahil umaga so may mga klase sila. Minsan kasi kapag natatapat ako sa recess or lunch break nila, mahirap makipagsiksikan sa pila para bumili ng pagkain. Sobrang dami din kasi nila.

I don't usually eat rice in the morning. So I bought two biscuits instead and a coffee. Nag-he-heavy meal lang ako kung kasama ko si Alwyn.

Sa dulo ako umupo para kumain. Pwede naman akong umakyat sa faculty para do'n kumain pero I decided na mag-stay. Baka pababa na rin si Alwyn dahil alam namin ang schedule ng isa't-isa at wala siyang first class. Usually nagkakasabay kami kapag ganitong oras.

I was in a middle of munching my food when a group of my co-teachers went inside the canteen. My eyes suddenly sparkled as I saw Alwyn with the other Math teachers.

They were laughing and happily talking. He was with Ms. Kate Macaspac. Hindi rin naman sila masisisi dahil sila nga ang pinakabata sa department nila.

Walang ibang taong kumakain sa loob ng canteen kundi ako lang kaya naman mabilis nila akong nakita. Kumaway pa sa'kin ang lalaking nasuot ng lose uniform at halos puti na lahat ng buhok, ang Math subject coordinator nila or 'yong head, si Sir Montero.

"Good Morning, Ms. Beterano!" Anito habang nasa counter at bumibili ng pagkain.

Kumaway naman ako pabalik, "Good morning din po, Sir M!"

"Nag-iisa ka ah, pwede bang maki-share?" Sabad naman ni Mrs. Castro na sa kabila ng ume-edad nang katawan ay sobrang kikay pa rin.

Tumango naman ako. Nag-hi din sa'kin si Kate at pasimpleng kumindat si Alwyn. Natawa nalang ako. Obviously, walang kaalam-alam sa mga kasama ni Alwyn ang tungkol sa'min.

Sabay-sabay silang lumapit sa kinauupuan ko dala ang mga nabiling pagkain. Nagpauna si Alwyn no'n para makaupo sa tabi ko since nasa dulo ako at pader na ang katabi ko sa kabila.

"Aba, 'yan lang ang kinakain mo? Kaya ang sexy mong bata ka eh," ani Mrs. Castro habang hinahalo ang spaghetti niya.

"Diet ka nang diet ang payat mo na nga," biro naman ni Alwyn. Well, alam naman ng karamihan na medyo pilyo si Alwyn. Kapag kami-kami lang namang mga teachers ang pagkakasama eh sobrang normal lang ng usapan namin. We're like a family here.

"Hindi lang po ako sanay sa heavy meal sa umaga," sagot ko naman.

The usual kwentuhan naming mga Teachers ay ofcourse, tungkol sa mga bata. Pero this time, nasa hot seat si Kate since bagong Teacher siya.

"Nagulat ako biglang naging paborito ng section H ang Math, iyon pala ay dahil sa'yo," biro ni Sir Montero kay Kate.

Natawa naman ito, "Hindi naman po. Magaling din naman sila kahit last section," giit niya.

Ang alam ko, partner teachers sila ni Alwyn sa grade eight. Meaning, silang dalawa ang nagtuturo sa buong bat h ng grade eight. Hati sila ng sections. Kaya malamang din talaga na maging close sila since pareho ang lessons nila.

Peanut BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon