Chapter Two

185 7 0
                                    

Chapter Two

"WE will be having a medical mission on Saturday. This is our project to our fellow neighborhood who aren't afford to have check ups and minor medications," the principal, Mrs. Guevarra said.

Ang likod kasi ng school namin ay puno ng less fortunate people.

Actually, it happens every year. Usually, sila ang participants namin sa mga ganitong klaseng project ng school.

We are currently having a plenary which happens every dismissal time of Wednesday.

Katabi ko si Misha na kanina pa ako kinukwentuhan tungkol sa admiration niya sa mga doctor na nagvo-volunteer sa'min.

"We invited doctors, nurses and other volunteer students to assist us for the said event," the principal added.

Lalo tuloy nagharumentado si Misha at pasimpleng sinisiko ako. Inirapan ko siya dahil baka marinig siya ng iba naming co-teachers. Nakakahiya sa kanila!

"Aagahan ko talaga sa Sabado para ako ang mauunang mag-accomodate sa kanila," bulong niya sa'kin saka pa humagikhik. Mahina ko siyang siniko para patahimikin.

Since may ganitong event ang school, required kaming umattend lahat for assistance. Marami kasi kaming participants kapag ganito.

"I will be assigning the teams that will be together per room," sabi ulit ni Mrs. Guevarra.

Since may medical mission, may pa-free food area, BMI checking at dental mission, kailangan ng mga assistants naming mga teachers. Last year, ka-grupo ko si Alwyn.

In-announce na no'n ang mga pangalan namin kung saan kami naka-assign. I'm with Misha and the other two co-teachers. Si Alwyn naman ay kasama ang Math area teachers. It means, kasama niya rin si Miss Macaspac.

"That's all, so let's call it a day," iyon lang at natapos na ang meeting.

Naglalabasan na sa meeting room ang mga co-teachers ko nang nilapitan ko si Alwyn na noo'y nakaupo pa rin at para bang busy sa pagbabasa ng kung ano'ng hawak niyang papel.

Again, legal ang relasyon namin sa principal and sa buong school. Hindi lang namin talaga pinapahalata masyado lalo na sa mga hindi nakakaalam kung hindi naman kinakailangan.

"Aren't we gonna eat today? I'm craving for pizza," I casually told him as soon as I reached him.

Sumulyap lang ito sakin saglit at muling itinuon ang pansin sa hawak na papel, "Hindi ako makakauwi agad eh."

I pouted, "Bakit? No'ng Sabado mo pa 'yan inaasikaso ah?" Tanong ko sa kanya nang mabasa kong tungkol pala sa retreat nila ang papel na ineeksamina niya.

May iilan nalang ding tao ang nasa loob at may kanya-kanya naman silang usapan.

"Next week na kasi 'to," tugon niya.

Umupo ako sa tabi niya, "Bukas nalang?" malambing kong saad.

He just glanced at me, "Not sure."

Medyo nainis naman ako. Kung maka-arte naman kasi siya, parang siya lang ang guro! Teachers naman kaming pareho ah, "Ang busy mo naman po," biro ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Peanut BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon