edited: 210727. 11:35 PM.
2230 words. yey!Malamig ang simoy ng hangin na dala ng buwan ng Disyembre. Sa sobrang lamig ay nakikita ko na ang usok na nanggagaling mula sa 'king bibig t'wing ako'y bumubuga ng hininga. Papalubog na ang araw sa malayo. Unti-unti na ring lumilitaw ang mga bituin.
Kahit pa sobrang kapal na ng suot kong pinagpatong-patong na makakapal na jacket ay tila pumapasok pa rin ang lamig patungo sa balat ko. Pilit nanghihimasok. Gustong makisiksik.
Ngayon nga ay hindi ko alam kung anong mas malamig, e. 'Yung hangin ba na nakapalibot sa labas ng pisikal kong katawan o yung puso 'kong wala nang nararamdaman para sa taong nasa tabi ko?
Hanggang ngayon, naririnig ko pa rin ang pagsinghot niya. Pansin kong nakayuko rin siya, mukhang nagpupunas ng luha. Hindi ko maatim na nakikitang may umiiyak nang dahil sa akin. Kaya nga dapat ay hindi ko siya kakausapin nang personal.
But he insisted us to meet. Just to do 'this'.
Hinihintay ko lang siyang kumalma bago aalis. Ayaw ko na siyang makita pa ulit. Hinihiling ko lang na sana, hindi na talaga. Umayon sana sa akin ang tadhana.
Para naman. . 'di ko na maalala pa ang mga katangahan na naisip ko. Na napag-desisyunan kong gawin. Kaya humantong kami sa saglit na 'to.
Pumikit ako't dinama ang lamig. Hindi ng hangin, kundi ng puso ko. Ito ang nais mo 'di ba? Bakit pakiramdam ko ay nagsisisi ka? Bakit nasasaktan ka?
Pinagbigyan ko ang puso at isip ko. Pinili ko kung anong nasa tingin nila'y tama. Ang tigilan na kung ano man ang kahibangan na ito. Pero bakit pakiramdam ko ay mali ang lahat?
Mali na nagtapos kami?
Mali ba?
Hindi ko talaga sigurado. Hindi ko na alam. Hindi na ata maayos ang takbo ng isip ko.
"Hindi mo ba talaga kayang hintayin na mag-iisang taon 'tong namamagitan sa atin?" Bulong niya. Isang klase ng tanong na patuloy kong hinahanapan ng solusyon.
Nangapa ako ng isasagot. Sa t'wing naririnig ko kasi ang boses niya, parang nawawala ang mga tumatakbo sa isip ko. Kahit ano pa ang tono na gamit, basta boses niya, kumakalma ako.
Sa tingin mo, ano 'to?
Pilit kong pinatatag ang sarili. Gamit ang mataas kong pride ay unti-unti kong nabuo ang linyang kahit kailan ay hindi ko alam na lalabas mula sa akin. Hindi ko inakalang sa kanya pa.
"Bakit ko pa hihintayin ang sandaling 'yun? Hindi na kita mahal. Maglolokohan pa ba tayo?" There, I finally said it. Ngunit nang makita ko kung ano ang itsura niya, pinili ko nalang na ilipat ang atensyon ko sa ibang bagay. Ewan. Ang gulo.
"Kaya ko namang sakyan 'yang lokohan. Kaya kong masaktan para sa 'yo." Nahihirapan niyang sagot. Napapikit nalang ako nang maramdamang may punyal na sumaksak sa puso ko nang mas lalo siyang naiyak.
Nilingon ko siya. Sinalubong ako ng basa niyang mga mata. Ang mga iyon. . hindi ko inakalang maganda pa rin kahit lumuluha na. Kahit punong-puno na ng sakit, nang-aakit pa 'rin. Pansin pa rin.
"Mas maganda nang natapos 'to nang maaga–" Hindi pa ako tapos magsalita nang bumigkas siyang muli.
"Hindi ko kaya.." May halo ng pagmamaka-awa ang boses niya. Naramdaman ko tuloy ang pagbagsak ng mga balikat ko.
"Edi kayanin mo." Walang puso kong pambabara.
Aalis na talaga ako. Ayaw ko na rito.
Hindi naman ako karapat-dapat iyakan. I didn't even deserved his love and everything! Sinaktan ko siya, bakit parang ayaw niya pa akong pakawalan?
BINABASA MO ANG
never coming home
Short Storythe end is just the start of something new. a one-shot story. all about letting go.