5: The Golden Boy

6 2 0
                                    

5: The Golden Boy

Taas noo akong naglakad papunta sa table nila. 

Pagkarating ko doon ay 'di ko inalintana ang 'di makapaniwalang tingin ng babaeng nakaupo sa harap ng lalaking customer. Nilapag ko ng marahan ang order ng lalaki.

"What are you doing here?" pilit niyang pinahinahon at pinasaya ang kanyang boses ngunit kitang kita sa nanggagalaiti niyang mata ang irita at pagkagulat.

Pinasadahan niya ako ng mapanghusgang tingin. Napangisi naman ako.

"Good morning, ma'am. Would you like to order anything? Seems like your company here forgot to get you something," sabi ko ng may panunuya. She sneered at me but continued her unfazed and friendly façade.

"No thanks. Beau knows I don't eat breakfast," sabi nito at ipinatong pa ang kanyang kamay sa kamay ng lalaki. I saw him move his hand away the slightest bit. Malawak naman akong napangiti.

"Would you like water then, ma'am?" tanong ko, nakapaskil pa rin ang pekeng ngiti sa aking mukha.

"Sure," sabi nito. Tumungo na ang kanyang tingin sa lalaking nasa harap niya na kanina pa walang imik at tahimik lang na kumakain.

So ito ang ipinalit niya sa kapatid ko?

Ayokong mamintas pero kahit ako ipagpapalit ko ang kapatid ko para dito.

Natatawang napamura naman ako sa utak ko.

Sorry, kuya!

Kinuha ko na ang pitchel ng tubig mula sa serving cart at isang baso upang lagyan ito ng tubig. Bago ko pa man ito mailapag sa mesa ay biglang may ideyang pumasok sa aking isipan. Napangisi nalang ako.

Bago pa man maglanding ang baso sa lamesa at umaktong akong napatid.

Napahiyaw ako at natapon ang tubig mula sa baso papunta sa pantalon ng lalaki.

Nakita ko namang napatalon ito ng kaunti at natigilan. Nakatingin lamang ito sa nabasang parte ng kanyang pantalon.

"Oh my god!" narinig kong eksaheradang untag ng linta sa gilid.

"I'm so sorry, sir!" natatarantang sabi ko habang kumukuha ng extrang table napkin sa serving cart at nanlalaki ang mga matang lumapit sa lalaki.

I crouched and started wiping the part of his pants wet with water. Narinig ko naman ang pagsinghap ni Ambrosia. Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang pagtawa.

"Are you always this clumsy?" narinig kong matigas na tanong ng lalaki. Napatigil naman ako sa pagpunas. Nagtaas ako ng tingin at nagtagpo ang mga mata namin.

Nawala ang pekeng pag-aalala sa mukha ko at napalitan ng kaba. Agad akong nag-iwas ng tingin at bumalik sa pagpunas sa kanyang pantalon.

Ngunit ilang saglit lang ay may biglang tumulak sa akin mula sa gilid.

Nanlaki ang mga mata ko dahil alam kong totohanan na ito at talagang sesemplang na ako sa sahig. Papikit na sana ako, bracing myself for the impact, nang maramdaman ko ang isang pares ng kamay na humawak sa aking bewang upang 'di ako tuluyang matumba.

Naramdaman ko nalang ang sarili kong napaupo, hindi sa sahig—diyos ko mas gugustuhin ko pa yatang sumemplang sa sahig—kung hindi sa kandungan ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko at dali daling napatayo.

Pinanlantsa ko ang aking damit habang nagdadasal sa nakatataas na sana ay may raket pang nakalinya si Donnalyn para sa akin pagkatapos nito.

Narinig ko ang marahas na pagsinghap ni Ambrosia. Tinignan niya ako ng masamang masama na tila naglalabas na ito ng lazer upang kitilin na ang buhay ko. Susugod na sana ito sa 'kin ngunit natigilan siya ng makarinig kami ng mga taong nagmamadaling naglalakad papunta sa amin.

GoldenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon