3: The Broken-hearted
"Kuya Fred! Kailan ka pa natutong makipagbasag-ulo?" tanong ko nang marating ko ang iskinita kung saan kami nakatira. Napatingin naman sa akin ang aking kapatid at amang nakikipagbasag ulo pa rin pati na ang mga tambay doon.
Mayroon ding mga tao sa gilid na may hawak na pera. Ang iba pa nga ay naghihiyawan na akala mo'y nasa sabungan.
Aba't pinagpustahan pa nga!
"Ito kasing gagong 'to eh!" halos 'di na maintindihang untag ng aking kapatid. Napakunot naman ang noo ko.
"Lasing ka ba?" matigas na tanong ko.
Nagsitigil naman na ang pag-aaway. Nakarinig pa nga ako ng mga dismayadong mga hiyaw galing sa mga taong nanonood. Ang ilan ay umalis na doon samantalang ang iba ay humihiyaw pa rin para ituloy ang sapakan. Sinamaan ko naman ng tingin ang mga iyon.
Tumungo na ako sa puwesto ng aking kapatid at ama para alalayan sila. Ngunit bago iyon ay naramdaman kong may sumapo sa aking puwitan. Bayolente naman akong napasinghap.
Agad akong tumalikod ang nagpalipad ng isang suntok. Lumanding naman ito agad sa mukha ng isang bunging tambay.
"Aba't gago ka ah!" sigaw ko.
At dahil doon, nagsimula na naman ang rambulan.
"Anak naman ng tipaklong! Ang sabi ko awatin niyo, hindi iyong salihan niyo!" halos mapigtas na ang ngala-ngalang sabi ng aking ina habang paikot ikot na naglalakad sa harap namin at may hawak na walis tingting.
"Bahala kayong gamutin ang mga sarili niyo! Hinding hindi ko na kayo tutulungan!" sabi nito habang itinuturo sa amin ang tingting na hawak niya.
"Diyos ko, ikamamatay ko ata ang pamilyang ito," narinig kong sabi pa nito habang paalis na naglakad papunta sa likod ng bahay para ipagpatuloy ang paglilinis doon.
Sabay sabay naman kaming napabuntong hininga ng aking ama at kapatid.
"Nak," pagtawag ng aking ama na nakahandusay sa sofa namin.
"Pakikuha naman nung Betadine at bulak," sabi nito ng nanghihina. Aabutin ko na sana ito nang biglang kumirot ang aking likod at napasandal ako pabalik sa aking inuupuan. Uutusan ko na sana si Fred nang makitang tulog na tulog na ito sa puwesto niya.
Nakapahinga nalang ako ng malalim.
"MA!" malakas na pagtawag ko sa aking ina.
Napaigik ako ng madampian ng bulak na may alcohol ang aking sugat sa bandang labi. Narinig ko rin ang pagdaing ng aking kapatid na ngayon ay gising na.
"Salamat, hon," narinig kong nakangiting sabi ng aking ama nang alalayan siya ng aking ina paakyat ng hagdan. Agad naman na nawala ang ngiti sa kanyang mukha nang sikuhin siya ni mama.
"Kung hindi lang ako nakokonsensyang baka mamatay nalang kayo diyan ay hahayaan ko talaga kayong mabulok!" galit nitong sabi. Natawa nalang ang aking ama.
"Ay sus, Teresita. Akala mo naman ay matitiis mo kami ng mga pasaway mong anak," ang huli kong narinig bago sila pumanhik na nang tuluyan sa taas.
Dumako naman ang atensyon ko sa kapatid kong nakasalampak sa sahig at dinadampian ang sariling kamao ng Betadine.
"Hoy, ikaw. Bakit ka naman nakikipagbasag-ulo? Ako ang gumagawa nun sa pamilyang 'to ah," sabi ko.
Nakita ko namang napabuntong-hininga siya.
BINABASA MO ANG
Golden
Novela JuvenilHindi naman sinasadya ni Gubs na mabangga ang lalaking iyon, sadyang nagmamadali lang talaga siya. Ang gusto lang naman sa buhay ni Forest "Gubs" Ferrer ay ang mabigyan ng komportable at masayang buhay ang kanyang mahal na pamilya. Nagsusumikap siya...