O7

4 1 0
                                    

- REI'S

"Anak ng tokwa ka saan ka nagsulangot babae? Wag mong sabihing isinuko mo agad ang sarili mo ha." Sabi ni ate Dianne.

"Ate, sa 28 years kong virgin e bakit isususko ko 'yong sarili ko? E diba napagusapan na natin na isusuko ko lang ang sarili ko sa lalaking pinapangarap ko." Sabi ko sabay kuha ng tubig sa ref.

"What if s'ya pa din?" Sumabat naman si kuya johnny. "Kuya, alam mo namang maling-mali 'yon. Hindi ko magagawang isuko ang sarili ko sa lalaking hindi ko naman mahal."

"Tama ka, ingatan mo kasi yang sarili mo para di ka maubos."

"Ubos na nga 'yan dati pa. Ubos ang luha." Sira ulo talaga 'tong si ate dianne. "Wag mo ngang halungkatin 'yon ate. Nakakadiring pangyayari sa totoo lang." Sabi ko sabay akyat sa taas at kaagad na pumasok sa kuwarto ko.

Hihiga na sana ako ng mag-chat si boss. Kakaiba talaga 'to, mukhang ayaw akong pagpahingahin ah.

UNREQUITEDWhere stories live. Discover now