Prologue:

1.9K 19 7
                                    

Ayun!! Bago ang lahat..isa lang po akong hamak na estudyanteng walang magawa sa buhayXD ang istoryang ito ay trip-trip lamang at isa po akong dakilang tamad kaya matagal po akong mag-update. But anyway, susubukan ko po ang lahat ng aking makakaya para sa istoryang ito at para sa ika-uunlad ng pilipinasXD please do support this story and this crazy author and please do comment kasi yun na lang natatanging nagpapasaya sa sawing author na ito..ITHANK YOU *bow*

nagmamahal,

silver_hunter <3

Prologue:

“Alam mo ba binigyan niya ako ng tatlong roses?”

“Oohh???? Kyaaa!! Nakakakilig naman yang boyfriend mo Sophia!!”

Hay yan nanaman sila pinag-uusapan mga boypren nila.. Di ba sila nagsasawa? Pero ang sabi nga ng iba na ang love ay nakaka-addict na once na sinubukan mo lagi mo nang hahanapin. Di ko pa kasi nararanasan yun e. Noon akala ko love na pero hindi pala. Akala ko na-inlove na ako sa kanya.. kay Dylan. I mean sino ba naman ang hindi magkakagusto dun e gwapo na mabait pa.

Ay nga pala! Di pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si Desiree Michell Park.Third Year highschool dito sa Claire Academy(haha bahala na wala akong maisip na school eh XD).Isang all girls school^^.May tatlo akong kaibigan sina Sophia, Steph at Venice. Yang tatlong yan may lovelife. Ako lang wala.

“Huy Desiree!!”

“Ay Butiki!” grabe naman makasigaw tong si Steph.

“Butiki ka dyan” sabi ni Steph

“May problema ka ba? Kanina ka pa namin kinakausap” nag-aalalang sabi ni Sophia

“Wala naman..ayus lang ako” sabi ko

“Hay nako Des, kailangan mo na talaga ng papa oohlala tulad namin!!” sabi ni Venice

“Anung papa oohlala ang pinagsasabi mo dyan? Parang papa ketchup lang ah” sabi ko. Okay sige ako na ang hindi nakakatawa XD

“Ewan ko sayo. Ay eto may kakilala ako. Mabait at sweet!! Siguradong magugustuhan mo siya. Bigay ko sayo number niya gusto mo?” sabi ni Steph sabay kuha ng phone niya.

HAY NAKO!! Di ba nila ako titigilan sa pagpair-up sakin sa ibang lalake?? Panglima na yang number na ibibigay sakin ni Steph eh!! Kailangan na nila tong itigil.

“Girls pagbinigay nyo sakin yang number na yan diba parang considered yan as ‘cheating’??” grabe di ko alam kung san mapupunta tong usapan na to.

“Cheating?!” nagtatakang tanong ni Venice

“OO….sa….Boyfriend ko” sabi ko

“BOYFRIEND??!!!” sabay-sabay nilang sigaw

“oo..sa…Xavier Academy” palusot ko. Wala namang masamang mangyayari diba? Kasi fictional boyfriend lang siya.

At the same time at Xavier Academy..

Jeremy’s POV

“Jeremy” tinapik ako ni Daryl sa balikat

“Bakit?” tanong ko tapos tinuro niya yung mga babaeng taga ibang school na nakatingin sa akin. Paano kaya sila nakapasok dito? Parang may sinasabi sila dun sa isang girl….teka

“Nanaman??”

“Yep, another confession for you” may pa-english pang nalalaman tong si Christian eh.

“uy i-distract niyo muna sila, tatakas lang ako” aalis na sana ako nang may humila sa jacket ko

“Mukha mo!! Pumunta ka na lang dun tapos pumili ka ng isa, tapos ang usapan!!” sabi ni Kurt

“Ayoko nga!! Parang sinabi mo rin na para silang mga bagay!!” sigaw ko sa kanila

“Edi busted-in mo na lang?!” sabi ni Kyle

“Oo nga! Nakakapagod din tong ginagawa namin para sayo ha! Isipin mo yun 3 weeks na may nags-stalk at nanghahabol sayo di ka ba naman mapagod.” Sabi ni Nico

“Ayoko!!!”

“Uughh!! Bakit ba?!!” naiinis na tanong nila

“Kasi…may girlfriend ako” palusot ko. Wala na ako maisip e.

“WHAT!! Bat ngayon mo lang sinabi?!!” tanong nila

“Kasi..taga Claire Academy siya tsaka ayokong may manggulo sa kanya” sabi ko

“Mapagkakatiwalaan mo naman kami ah??” tanong ni Daryl

“Di naman namin sasabihin kung san siya nag-aaral eh” sabi ni Kurt

“Oh pumunta ka na doon tapos sabihin mo” sabay tulak sakin ni Kyle

Huminga na ako ng malalim at inayos ang suot ko habang papunta ako doon. Hay wala naman akong ginagawang masama diba?? Wala namang masasaktan kasi fictional girlfriend lang siya.

Fake Lang?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon