Chapter 1

22 2 0
                                    




"Chan!" Tawag sa'kin ni ate Claire pagkalabas ko ng gate.


"Ate Claire, Hi!! Hinihintay mo si kuya Charles?" Tanong ko sa kanya dahil napapansin kong lagi syang dumadaan dito at tuwing lalabas ako ay umaalis na siya agad.


"Hi! Ahhmm hindi, napadaan lang ako and nakita kita actually pupunta ako sa Taro, sige na baka gabihin ka, bye!" Paalam niya saakin.


"Bye! Ingat din!" Sabi ko sa kanya.

"Susunduin ka ba ni Mark?" Pahabol niyang tanong.


"Oo, siguro, ewan, bahala na, kung busy siya, edi magpapasundo nalang ako sa driver namin" Tumango nalang siya at umalis na.


"Channy!" Tawag sa'kin ni Mark "Sakay na, pagalitan pa ako ni tito" hindi ako umimik at sumakay na sa kotse niyang bagong bili. Nanaman. "Bakit ang tahimik mo?" Tanong niya saakin at hindi ko siya pinansin at sinuot ko na yung airpods ko sa ears ko.


Hindi ko maitatanggi na may gusto ako sa best friend ko. Kami na magkasama simula pagkabata namin pero close din naman niya sila kuya Charles, Nicolo, Johnny at William ako yung prinsesa nilang lima dati pero nang lumipat ako nung senior high school ako ay iniwanan ko sila sa previous school namin pero lagi akong sinasamahan at binibisita ni Mark.


"Chan, andito na tayo" Paggising niya pa sa akin at andito na nga ako sa building ng condo ko. "Mauna ka na umakyat, mag park lang ako" Sabi niya pa. Sa Condo ko na naman siya matutulog. Every Friday sa Condo ko siya natutulog tutal may kwarto naman siya dun. gaya ng sinabi niya nauna na akong umakyat at hindi ko na siya hinintay. Dahil sa pagod ko ay humiga na agad ako sa kama ko at hindi na nagpalit ng uniform.


"Uyy may crush ka kay Mark noh?" Tanong ni Stella sa akin


"Wala akong crush sa kanya" Walang gana kong sabi sa kanya


"Wala daw pero titig na titig ka sa kanya kanina. Kitang kita ko yun kanina" Mapangasar niyang sabi at inirapan ko siya.


"Hindi si Mark ang tinitignan ko, yung puno, tsaka kuya lang tingin ko sa kanya at wala nang magbabago dun" At tinalikuran na siya. Pagkatalikod ko ay nakatayo lang si Mark at nakatitig sa akin pero hindi ko siya pinansin at nilagpasan na.


"Chan, totoo ba yung sinabi mo kanina" tanong niya.


"Oo" maikling sagot ko at tinalikuran siya


"Kung ikaw ay kapatid lang ang turing mo sa'kin ako hindi" seryosong sabi niya


"Paano ako maniniwala sa sinasabi mo eh kahit kailan naman hindi ka naging seryoso sa lahat ng bagay" walang emosyon kong sabi. Pero aaminin ko natuwa ako sa sinabi niya pero hindi ko ipinahalatang napangiti ako sa mga sinabi niya.


"Tama ka, nagbibiro nga lang ako, ikaw naman! It's a prank! Kahit kailan hindi ka maprank" pilit niyang natatawang sabi. Mas lalo akong napasimangot sa sinabi at saka tinalikuran na siya ng tuluyan.


"Uyy! Channy! Chan! Jackie Chan! Ella! Elly! Prank nga lang eh, bakit hindi ka mabiro?" Tawag niya sa akin pero hindi ko padin siya nililingon at mas lalo akong naiinis kasi kung ano anong pangalan tinatawag niya sa akin.

"Chanelle Lim!" Tawag niya at nilingon ko "kanina pa kita tinatawag!" Sabi niya na hingal na hingal na kakahabol sa akin


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paubaya [National Collegiate Series #3] [On hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon