CHAPTER 21: The Contract Termination

470 26 19
                                    

CHAPTER 21: The Contract Termination

CHAPTER 21: The Contract Termination

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SKYE


"Nagpapanggap kayo ni One sa ngayon, 'di ba? Kapag ba nagising na si Uno, tapos na rin ang pagpapanggap n'yo? Kalilimutan mo rin ba ang kung ano man ang namagitan sa inyong dalawa ni One?"


Hanggang ngayon, parang nag-e-echo pa rin sa pandinig ko ang mga sinabi ni Lynn. At hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi niya.


Kapag nagising na si Uno, ano na nga bang mangyayari? May next plan ba? Ititigil na nga ba namin ni One ang pagpapanggap? If that is the case, babalik din ba kami sa kung paano kami makitungo sa isa't-isa?


At anong namagitan sa amin ni One ang kalilimutan ko gaya nang sinasabi ni Lynn? Ang lahat naman ng namamagitan sa amin ay purong pagpapanggap lang. Ang mga ipinapakita niya sa aking ngiti, sweetness, at pag-aalala, parte lang iyon ng pagpapanggap niya bilang Uno. Kapag kami lang dalawa o walang ibang taong nakakakita, he was back on his own self. Cold, distant and silent. Wala rin kaming pakialam kung ituring namin ang bawat isa.


Nabuhay naman ako nang hindi kami nag-uusap sa loob ng walong taon, 'di ba? Pero, bakit isipin ko pa lang na babalik kami sa dati na hindi nag-uusap at parang estranghero sa isa't-isa ay parang napakahirap na?


Kahit na nag-uusap lang kami kapag kailangan at sa pagpapanggap, para bang nasanay na ulit ako sa presensiya niya. Na nandiyan lang siya at anumang oras ay puwede kong lapitan at kausapin. Kumpara noon na napakalayo niya at hindi ko mahagilap kahit sa chat lang.


What about One? What's his plan after this pretend relationship? When Uno wake up? Would he stay here for good? O babalik ba ulit siya sa ibang bansa?


He just came back for only two reasons. Una, dahil siya ang best man namin sa kasal ni Uno. Pangalawa, dahil ang alam ko ay pinakiusapan siya ni Tita Miles na umuwi na - according to Ash.


Given na ang first reason niya. Ang second reason, puwedeng pinagbibigyan lang ni One ang ina dahil alam kong takot ang kambal kay Tita Miles. So, may possibility pa rin talaga na umalis at bumalik siya sa ibang bansa, right?


"Skye," Cliffer called me out of my deep thoughts.


Tumingin lang ako sa kanya a hinintay ang sasabihin niya.


"One of the MG-Tech In's investors will visit us today and asking for briefing of characters' concept in our new game project. We need to prepare in thirty minutes in the conference."

Twins Are In PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon