CHAPTER 15: The Traitor

417 26 34
                                    

CHAPTER 15: The Traitor

CHAPTER 15: The Traitor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SKYE


Dinala ako ni Cliffer sa conference room ng Design and Development Department. Mabilis niyang ini-lock ang pinto. Soundproof din ang kuwartong ito kaya wala ring makakarinig sa pag-uusapan namin.


Hindi pa rin humuhupa ang matinding inis at galit ko kay One kaya si Cliffer naman ang napagbalingan ko. "What the hell is going on here? Bakit kailagang tanggalin sa trabaho sina Rowan, Jasper at lalo na si Fayre?"


"Calm down, Skye," he said, taking a deep breath.


"How could I? May ginagawa si One na hindi dapat gawin ni Uno!"


"Ginagawa ni One ang dapat gawin ni Uno," mariing sagot niya.


Nagsalubong ang kilay ko. "Anong sinasabi mo diyan? Na kagustuhan ni Uno na tanggalin sa trabaho ang mga empleyado niya?"


"One just carrying out Uno's decision, Skye."


It's Uno's decision? No. It couldn't be, hindi makapaniwalang sambit ko. Pinagkakatiwalaan ni Uno ang mga empleyado niya.


"No, Cliff. Hindi magdedesisyon nang ganyan si Uno. Hindi niya tatanggalin ang mga empleyadong loyal sa kanya. Especially Fayre." 


"They weren't loyal, Skye. Especially that woman."


Saglit din akong natigilan. Sinabi niya iyon na para bang sigurado siya sa bagay na iyon. "Fayre is working as Uno's executive secretary for five years now. She wouldn't work for that long if she wasn't loyal to him," I reasoned out.


May itinaas na folders si Cliffer. "Look at these folders," utos niya habang iniaabot ang mga iyon.


Ngayon ko lang napansin na may hawak pala siya no'n. Kinuha ko iyon mula sa kanya. "Ano ang mga ito?"


"See for yourself."


Binuklat ko ang mga iyon at halos magsalubong ang mga kilay ko sa mga nababasang impormasyon. May ilan naman sa mga iyon ang naintindihan ko, pero ayaw maniwala ng isang bahagi ng utak ko. Hindi nila ito gagawin kay Uno. Hindi ito gagawin ni Fayre.

Twins Are In PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon