15

9 1 0
                                    

"We don't want you to get hurt, again.."

I heard Jia's voice in my head while scrolling on his feed.
I don't wanna get hurt again too.
I just can't help it.

Zach:
Hey, goodvening. Eat your dinner.

I can't help but to smile. He's always like that, bossy but not in an annoying way. Ewan ko. Basta!

I immediately replied.

Maple:
Goodeve din. Ano ulam mo hehe.

Natawa ako sa sarili kong tanong.
Manghihingi ka, te?

Zach:
Hmm. Chicken Curry and Menudo.
Hbu?

Ay wow. Ang sarap ng ulam, ah? Masarap din kaya yung magu-ulam? Ay, punyeta Maple Rein! Ang harot ah?

Maple:
Naol.
Seeend!
Chz,,
Nag-order lang kami sa Jabee ng kaibigan q since magsusunog kilay pa kami.

Nakangiti ako habang kumakain. Hindi pinapansin si Lana at Rian sa harap ko na nakangiwing nakatingin sa akin. Patuloy ang palitan namin ng chats ni Zach. Ewan ko ba. Hindi naman ako mahilig makipag-chitchat virtually e. Pero ang sarap n'ya kasi kausap e. Alam mo 'yung pakiramdam na may nakakaintindi sa'yo?

Nararamdaman ko 'yon sa kanya..

Sobrang nagkakasundo kami sa lahat ng bagay especially sa books. Pero one time nag-argue kami dahil sa Bridgerton. Sabi ko kasi mas nagustuhan ko 'yung tv series version no'n. Nakipag-argue pa s'ya e ang sabi ko nga mas nagustuhan ko lang. Pero mas better pa rin yung book version. Hahaha. Nagsorry tuloy s'ya.

Zach:
Don't forget the concert tommorow.
I wish i could see you..
But anyways, goodnight!

Pero sa totoo lang.. pinag-hihinalaan ko talaga ng matindi 'yung kuya ni Mayang. Nagtugma kasi 'yung mga pinagsasabi ni Zach sa dahilan ni Maya. Tapos 'yung username n'ya pa sa IG, Zach, Zacharius..

Ewan ko ang nonsense pero.. whatever..

Nagising ako sa ingay ni Lana. Sabado at may morning class s'ya. Kakauwi n'ya lang at naiirita ako sa ingay n'ya.

"Hoy manahimik ka may matutulog dito!" inis kong sigaw sa kanya.

"Gaga, lumabas ka na d'yan! Kakain na, oy!" sigaw nya pabalik.

Mas lalo kong dinukdok ang ulo ko sa unan. Inaantok pa ako. Kingina..

"Bilisan mo! Aalis din pala ngayon si Mayang," huh?

"Oo na! Punyeta.."

Lumabas na ako matapos kong mag-ayos, pumunta akong dining room at nando'n na sila. Naging matiwasay naman ang lahat pero di mawawala ang excitement para mamaya. Mamaaaaa! Makikita ko si Paul Kleeein!

06:00 pm.

Kanina pa kami nandito, nakapasok na kami at hinihintay na lang magsimula ang concert.

Habang naghihintay ay hindi ako mapakali. Inikot ko ang paningin sa mga tao sa paligid ko, na sa VIP seat kasi kami. Natigalgal ako nang makita ko si Jaiz, ang putanginang walanghiya na nanloko sa akin. Kasama ang isang babae - as usual - at naka akbay sya doon. Kingina.

Humugot ako ng malalim na hininga at ikinontrol ang sarili.

"It's okay to cry, no one's stopping you from crying. But always remember, you are precious. You are worth it. And you're deserving. So when you feel like crying, always think if he/she are deserving of your tears."

Sweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon