Sulat

4 0 0
                                    

Sabi nila 'pag pagod ka na sa mundo, 'liban sa support system, kailangan mo rin ng "outlet" na pwedeng maging ikaw. Iyon bang masasabi mo na "ito talaga yung totoong ako", na hindi mo man maisatinig nararamdaman mo, naipakita o naipahiwatig mo naman sa ibang bagay.

Sabi nila okay daw yung pagsulat. Pwedeng diary o journal. Pwede ring tula, awit, o kaya dagli. Basta kung saan ka komportable. Kasi 'di ba, pag pagod ka na sa mundo at sa mga tao, sa pamamagitan ng sulat naipahahayag mo na rin ang sarili mo.

Sabi nila okay daw ang sumulat. Kaya sinubukan ko. Sinumulan ko. Hanggang sa ang kagustuhang sumulat ng tula ay mas nangibabaw sa pagsulat ng liham na pamamaalam.

ThoughtsWhere stories live. Discover now