PROLOGUE
"Are you sure na magdo-dorm ka? Malapit lang naman ang University dito, Dina." Sabi ng Tita ko habang tinutulungan akong mag-impake.
"Opo. Kung gastusin ang iniisip 'nyo, 'wag nyo na pong problemahin dahil nakakuha po ako ng scholarship." diretsong sagot ko.
Matagal nang wala si Mama, naiwan ako sa puder ni Tita dahil wala 'rin naman siyang anak at asawa. Yung Papa ko naman, sumakabilang bahay na. Halos ang Tita ko na ang nagpalaki saakin sa pamamagitan ng pagpasok niya sa trabaho bilang Call Center Agent.
"Ano ka ba, hindi gastos ang iniisip ko. Ang akin lang, kaya mo ba?" Bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses. "Baguhan lang tayo dito, kahit ako ay hindi ko pa'rin masyadong alam ang pasikot-sikot dito sa Cavite."
Tumigil ako sa pagtitiklop ng damit tsaka lumapit sakanya. Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay tsaka siya tiningnan sa mata. Kamukhang kamuka niya si Mama.
"Tita, hindi naman kami pwedeng lumabas ng University hanggat walang pahintulot galing sa'yo. Tsaka, wala rin naman akong balak magliwaliw. Pag-aaral ang pinunta ko doon."
Napabuntong hininga siya. "Ay basta, may magagawa ba ako?" aniya tsaka natawa sanhi para matawa rin ako. Tumabi ako sakanya tsaka siya niyakap. Nanay na rin halos ang turing ko sakanya dahil hindi siya nagkulang sa pagpapalaki saakin.
"Thank you Tita, I love you." kusa iyong lumabas sa bibig ko kaya maski ako ay nagulat.
"I- I love you too, Dina." She answered, making me feel happy and sad at the same time.
Lumipas ang dalawang araw, puro paghahanda lang ang ginagawa ko. I felt different kinds of emotions. Natatakot, kinakabahan, excited, masaya, basta hindi ko alam. Maaga akong nagising ngayon dahil ihahatid na ako ni Tita sa University.
Bukas pa naman ang simula ng pasok pero mas okay na'ring maging maaga ako. Mataas na gate ang bumugad saamin habang nasa taas 'non nakasulat ang SpringVille University. Bumaba ako tsaka kinuha ang dalawang maleta at sportsbag ko.
Hindi na 'raw papasok si Tita dahil dederetso na'rin siya sa trabaho kaya tanging halik at yakap nalang ang naipabaon niya saakin. Tinanong ko sa babaeng Gwardya kung saan ako dapat dumeretso.
"Diretsuhin mo yung pakanang parte ng field. Sa likod ng Gymnasium, kumaliwa ka. Nandoon yung dorm 'nyo." sagot niya ng hindi 'man lang tumitingin saakin.
"Salamat po." ani ko tsaka nagsimulang maglakad.
Alas-nuebe na ng umaga, panigurado ay may tao narin doon. Sinunod ko ang dereksyong binigay ng babae kaya walang kahirap-hirap kong narating ang dormitory. Dalawang palapag iyon, halos napag-iwanan narin ng panahon.
Room 16 raw ako base sa sinabi ni Tita, second floor dulo. Nakasarado iyon pero ramdam kong may tao na kaya kumatok ako. Babae ang bumungad saakin. Payat, matangkad, maputi, maikli ang buhok at may blangkong ekspresyon.
Bigla akong nakaramdam ng kung ano nang titigan ko siya sa mata.
"R-room 16 toh diba?" pagbasag ko sa katahimikan.
"Bago ka? Pasok." Aniya tsaka ako iniwanan.
Hirap na hirap akong ipinasok ang gamit ko tsaka pumunta sa pinakadulong bed kung saan nakalagay ang pangalan ko. Mabuti nalang at sa babang parte ako ng deck kaya hindi ako mahihirapan.
Umupo ako tsaka ginala ang tingin sa buong kwarto. Apat na double deck, may maliit na hallway sa gitna at sa paahan ko mismo ay may isang pinto na sa tingin ko ay ang banyo. Tatlong deck na ang occupied habang ang nasa pinaka unahan ay wala pa.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagliligpit ng gamit ko sa locker, may tumabi saakin tsaka nagsimula 'ring mag-ayos.
"Bago ka dito?" Malamig na tanong niya. Siya yung babaeng nagbukas ng pinto saakin kanina.
"Oo."
"Year mo?"
"T-third." I stuttered. Bakit ba ako kinakabahan eh nandito naman na ako? Napabuntong hininga ako tsaka nagpatuloy.
"Pangalan mo?" Aniya pa.
"Dina, Dina Evangeline Par-"
"Hoy Neve! Long time no see!" Napatingin ako sa pinto ng may babaeng pumasok habang nakatingin sa katabi ko.
"Hoy tangina ka buhay ka pa pala?" Nagulat ako sa tugon ng babae sa tabi ko tsaka lumapit sa bagong pasok. Binatukan niya iyon tsaka inakbayan. Nakasoot lang siya ng dilaw at malaking sando na itenerno sa maikling itim na short.
Napailing ako tsaka tinuloy. Bakit ba ako nakiki-asyoso?
Sumapit ang gabi, nakaupo lang ako sa bed ko habang nakatulala. Halos lahat ng nandito ay magkakakilala. Naa- out of place ako dahil nasa Leyte ang mga kaibigan ko. Kung hindi lang kailangan ni Tita ng bagong trabaho ay paniguradong nandoon parin kami.
"Dina, right?" Napatingin ako kung saan nanggaling ang boses na iyon. Siya nanaman, nakapamulsa sa soot niyang pajama.
Tumango ako.
"Neve." blangko ang kanyang ekspresyon maski ang kanyang boses ng ilahad niya ang kaniyang kamay.
Walang ano-ano'y tinanggap ko iyon.
Neve, her name suits her. She's like a snow, beautiful yet cold.
BINABASA MO ANG
Away From The Spotlight
Fiksi RemajaMasyadong magulo ang mundo. Hindi ako sigurado kung matatanggap ba ng ibang tao ang mga katulad namin dito. © 2021 agl_writesz All Rights Reserved