Sanctum: Eight

313 17 13
                                    

Her POV

"Mahal..."

Ken? Your gentle voice was music to my ears.

"Mahal?" You wrapped me in your arms and a sense of calmness took over me. Corny na pero kahit isang linggo palang tayo halos hindi nagkikita ay miss na miss na rin talaga kita.

After a moment, I became aware that Jeremy was with us. I suddenly was conscious of my actions. Pinagmasdan ko ang tingin mo kay  Jeremy. Yung mga mata mong nangungusap, rinig na rinig ko ang pinapahiwatig. Alam kong nagseselos ka. Naalala ko kung gaano ka nag-aalala na kasama ko ito.

Oh, gosh. Naabutan mo ba yung pag-abot ko nung niluluto ko sa kaniya? I wasn't thinking much about it but it would probably be too close for your comfort. I wouldn't want you to worry about anything. Kaibigan ko lang si Jeremy. We just get along well... Kuya ko lang siya. All that matters is that you're here now.

"Nandito na yung surprise mo, Rita." Jeremy commented.

"You know that he's coming?"

"Paano ko malalaman saan ka nakatira, diba?"

"Oo nga naman." I smiled.

"Oh eh 'di andito na yung sundo mo. Salamat sa pagluto ng lunch, Rita. I'm sure atat na yan si Ken na mai-uwi ka." Dagdag pa ni Jeremy.

"Hala, uy kumain muna tayo dito..." I said, blushing. Mahigpit mong hinawakan ang bewang ko at siniko kita ng mahinhin. Nahihiya ako. Sakto pa pumasok yung iba naming kasama sa apartment.

"Sure, pero konti lang ah. May nakabook na kasi akong reservation sa isang resto..." Sabi mo sa akin.

"Okay. Wait lang guys, usap lang kami ni Ken. Una na kayo..." Hinatak naman kita papunta sa guest room na tinutulugan ko.

"Ikaw ah, may binabalak ka na sa akin agad-agad!" Pang-aasar mo sabay nakaw ng halik sa labi ko. Agad ko namang kinurot ang pisngi mo.

"Ang landi-landi mo!"

"Sa'yo lang naman ako malandi ng ganito..."

Nilapitan mo ang maleta ko at nag-ikot ang tingin mo sa paligid ng kwarto.

"Tulungan na kita mag-impake, Mahal."

"Why?"

"You're staying with me na. I already told your friends." I gave out a heavy sigh.

"Ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ganun. I'm happy you're here..." You sat on my bed and I followed you.

Kinuha mo yung Chow Chow stuffed toy na regalo mo sa akin.

"Hmmm. Dala-dala mo pala 'to." You teased lovingly before holding said toy and sniffing it lightly. It had your scent from your favorite perfume, but it has probably worn off from me cuddling it tight every night.

"Oo naman, para I have you with me always."

"Kinikilig ako Choy! Pero amoy Rita na si Chow, amoy baby na eh. Halatang bihira mong bitawan..."

"Nandito ka na diba, ikaw na lang yakapin ko..." I wrapped my hands around your nape and gave you a quick peck.

"Halika na nga! Umalis na tayo dito!" Mainip mong sabi.

"Oh God, this effect you have on me talaga... Dumating ka lang automatic na akong humarot. Layo ka nga kaunti..." Sabay tulak ko sa'yo ng malambing palabas ng kwarto.

"Gusto mo rin kasi, Mahal..."

"Oo na, marupok na ako sa'yo! Go na tapusin ko na ligpitin 'tong gamit ko. Nagtataka na rin sila Jeremy, angtagal-tagal na natin. Lalong nakakahiya."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SanctumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon