Sanctum: Four

374 32 18
                                    

Her POV

"Huy nakakahiya naman Ken, nakikikain pa ako sa inyo." Sabi ko sa'yo.

Nakita ko na naman yung parents mo minsan pero nagkapalitan lang kami ng matipid na mga ngiti noon. Iba na ngayon eh, iba na ang lugar ko sa buhay mo.

"Ano ka ba, sooner or later palagi mo na rin naman sila makakasama. Saka huwag ka mag-alala, mababait yung mga tita at pinsan ko." You winked.

"Hoy! Hindi mo naman sinabi sa akin na buong family mo nandito... Ano ba, Ken!"

Hinampas nga kita sa braso, nakakagigil ka eh! Ang haggard ko pa nga. Ayan, ganyan ka. Ma-ingat kang tao, pero ang hilig mo rin mambigla.

"Hindi naman lahat, most lang...May pinsan kasi akong birthday niya ngayon, nag-celebrate kami."

"Kaya naman pala may pa-kain sa bahay niyo... Pakiramdam ko tuloy party crasher ako. Uy, nakakahiya talaga! Ikaw naman, bakit ngayon mo ni-set ang date natin, busy ka naman pala..." I said seriously.

"Gusto na kita makita eh, bawal? Naiintindihan naman nila, happy nga sila eh..." Ngumuso kang parang bata.

"Asus! Landi!"

"Tara na, alam ko namang gutom ka na..." You said in a cheeky tone.

"Hello, Rita! Halika, upo ka rito." Masayang bati sa akin ng Mommy mo. Isa-isa mo na rin akong pinakilala sa mga iba mong kamag-anak.

"Siya yung may birthday, Ta. Uy, Si Ate Rita mo nga pala..." You introduced me and I greeted the celebrant cheerfully.

"Kayo na, kuya?" Your cousin blurted out. Agad-agad naman akong namula at napatingin sa'yo. Matipid kang umiling at ngumiti.

"Hindi pa, pero malapit na." You said confidently. Aba.

"Hindi ba dapat ako ang sasagot niyan?" I chimed in.

"Tama nga Ta, dapat nga sasagot ka na ng oo. Ganun nga!"

Ay, ang smooth oh.

"Naks, hindi ka na torpe, kuya?" Pang-aasar ng pinsan mo.

"Huwag ka maingay! Pasalamat ka birthday mo ngayon. Tsk."

Iniwan na tayo ng pinsan mo at pumuwesto na tayo sa kainan.

Nahihiya pa akong kumuha ng pagkain at napansin mo agad yun.

"Ta, anong gusto mo?"

Kinuha mo ang plato ko at sumenyas sa mga handa.

"Uy, ako na!" Pagreklamo ko.

"ChicKEN, gusto mo ba?" May pagdiin mong sabi kasabay ng pilyo mong ngiti.

"Sure, favorite ko yan. Kahit papaKEN lang at walang rice ok lang sa akin." I joked along.

"Huwag mo akong niloloko Ta, hindi ako naniniwalang walang rice! Ikaw?" Hirit mo at sinamaan kitang tingin. Agad ka namang bumawi.

"Aba-aba. Hmmm. Okay, I'll take note of that. Sige nga, sabihin mo sa akin mga favorites mo. I got you!"

"Text ko nalang!" Kumuha lang ako nung pasta na niluto mo, kaunting rice at isa pang ulam.

"Kumuha ka pa Rita, ang konti naman niyan!" Your mom told me when she noticed my almost done plate.

"Ok na po Tita, thank you!" I said with a smile.

"Kaya nga!" Dagdag mo pa. "Nahihiya ata siya Ma, matakaw ito eh. Hindi normal 'to."

Kinurot ko ang hita mo sa inis. Ang dami kaya nating kasama sa table! At ayun na nga, nakalimutan kong hindi lang tayo ang tao, at family mo pa - talk about first impressions.

SanctumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon