L A S T C H A P T E R

2.7K 109 6
                                    

Last Chapter


PETER's POINT OF VIEW

ANG MATAGAL ko ng hinihintay ang araw na ito na sumapit. Kay bilis ng araw at mag-li- lima na buwan na ang aking tiyan. Isang buwan mahigit ang naging naging pre-prerasyon ng kasal.

Ilang araw pagkatapos kong umuwi sa mansyon namin. Nagkaroon ng pamamanhikan sila James sa bahay. Naging engrande ang pamamanhikan nila.

Gusto sang pumuslit ni James para maka-isa pero nahuhuli siya ni papa. Sobrang nanggagalaiti sa ini si James. Pero wala siyang magawa dahil mga magulang namin bantay sarado.

Labis ang tuwa ko sa kaniyang mga kilos. Sabik na sabik siya sa akin pero hindi nakaka kuha ng pagkakataon para kami magka-isa.

" Ang anak ko, ilang buwan lang tayo nagkasama. Ikakasal ka na." Naluluha si mama.

" Ma, kahit ikasal ako dadalaw pa rin ako dito sa iyo. Malapit lang kaya bahay na nabili ni James para sa amin."

Umismid si mama. Ikinangiti ko iyon.

" Eh maganda na kasama ka namin sa bahay." Dagdag niya pa.

" Si mama talaga. Okay na iyon para magsolo kayo ni papa. Gawa kayo ng kapatid ko." I teased her.

Umikot lamang ang mga mata ni mama. Humakbang siya sa papunta sa kama. Bumuntong hininga siya.

" Hmp, Peter. Sa tanda na namin ng papa mo." Mapait na sabi niya.

" Walang imposible, ma. Si papa pa sabik kaya iyon sa iyo. Hindi ka ba nilalambing ni papa, ma?" Tanong ko dito. Umirap naman ito.

" Busy papa mo. Mabuti sana hindi na ako gumaling trabaho pa ang atupag hindi ako." Nahimigan ko ang pait sa boses nito.

Nagtampo si mama kay papa. Akala ko tumigil muna pansamantala si papa. Hindi pala, kaya pala bitter si mama na paalisin ako sa bahay na ito. Kasi hindi naglalambing sa kaniya si papa.

Humakbang ako sa tapat niya. " Ma, huwag ka na magtampo kay papa. Baka inayos muna ni papa ang kailangan para makapag leave siya ng maayos at mahaba. Ayaw mo yun matagal kayong magla-lovey dovey ni mama."

" Bakit ako pinag-uusapan ng mag- ina ko?" Bumukas ang pinto saka pumasok si papa.

" Naku pa, si mama nagtatampo sa iyo. Bakit busy na naman kayo sa trabaho mo. Akala ko pag gumaling si mama magiging hands on ka sa kaniya." Turan ko kay papa.

Sumilip ang make up artist at hairstylist sa pinto. Sinenyasan ko ito na teka muna. Kaunting minuto pa para magkabati si mama saka papa.

" Darling, inaayos ko ang resignation ko sa hospital. Huwag ka ng magtampo. Ako na ang mamahala ng Skin products natin, Peter. Kaya naging abala ako. Hayaan mo, darling pagkatapos ng kasal nila James at Peter. Magha-honeymoon tayo." Paglalambing niya kay mama.

Napangiti ako sa mga magulang ko. Sana ganiyan rin si James. Kaya lang may times na makukuha ng trabaho niya ang kaniyang oras. Kapag tinatawag ng trabaho wala kaming magagawa kung hindi tuparin niya ang kaniyang tungkulin.

Nasa pamamahala ngayon ang kompanya sa pinsan ko. Pamangkin ni papa, si Jerson. Siya ang COO ng company at in-apoint ko siya bilang CEO habang hindi pa ako bumabalik.

Lalo na rin sa pagbubuntis ko.

" Oh, sige na magbati na kayo. Kinakain na ang oras male-late ako sa kasal ko."

Nagkumahog naman ang dalawa. Si mama tinawag ang nag-aayos sa amin na pinalabas ko muna para mag-solo time kami.

" Hay naku, timothy ng dahil sa iyo. Baka malate ang anak natin." Panenermon pa ni mama kay papa.

Capturing His Elusive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon