New Girl

0 0 0
                                    

"What a nice morning again Astria" Sarkastikong bati sakin ni mama.

'here we go again' I rolled my eyes habang papalapit sa mesa, sa direksyon ni papa para humalik.

"Goodmorning dads" ngiti kong bati pagkatapos kong bumeso, he just pat my head and pointing to mama ng nakangiti.

Lumapit ako kay mama para bumeso at bumati narin but as usual umismid lang ito.

"Why are you always late Astria? kailangan ba talagang palagi ka na lang late ha?!" diin nitong panunumbat sa akin.

"And you're late too" tipid kong sagot sa kanya na hindi tumitingin, kuha lang ng kuha ng ulam self mas gaganda ang araw mo kung hindi mo sya papansinin

"You're not even listening, kung hindi ko pa sinadyang magpahuli ng pasok hindi ko pa malalaman na totoo pala ang balita ng mga auntie mo? when will you grow up?" patuloy parin ito sa pagtalak ngunit katulad ng palagi kong ginagawa everytime na tumatalak sya ay inisnob ko na lamang ito.

"Elly, can you please let your daughter eat her breakfast peacefully?" pakiusap dito ni papa ngunit dahil mukhang nasa mood si mama na manermon ay gaya nang inaasahan ko ay pati si papa nakadamay na rin.

"What my point here is stop nagging your daughter i--

"Our daughter!"

"Ofcourse our daughter elly! why are you like this? may regla ka ba ha? siguro nagagalit ka lang dahil tinulugan kita kaga-"

'What the heck?!'

Bago pa man maipagpatuloy ni papa ang sinasabi nya ay tumayo na ko.

"Oh honey are you done?" Gulat ni papang tanong sakin ngunit pinanlakihan ko lamang ito ng mata

"Gross" bulong kong sambit habang papalabas ng pinto.

"I heard that!" Sigaw ni papa ngunit umismid lamang ako

Ang tanda tanda na nila masyado pero ganyan parin sila mag usap diyos ko!

pagdating ko ng school papasok na dapat ako ng gate ng hinarang ako batuta ng guard

napairap na lang ako sa inis badtrip!

"What the hell is your problem ba kuya?!" Asik ko dito ngunit yumuko lamang ito

"S-sorry ma'am pero utos po ito ni ma'am Jelay" nakayuko nitong sagot sakin halata ang pag galang at pagkadisgusto sa ginagawa

Ngumiwi lamang ako kay manong guard at umatras na para makadaan ang mga studyanteng nakapila na dahil nakaharang ako sa mismong harapan ng gate, hindi kasi katulad ng mga gate sa ibang eskwelahan ang gate dito sa school na to ay may nakalaan lamang na space na kasya ang isang tao at dahil hinarangan ako ni manong guard ay naging dahilan ito ng traffic (tao).

Ngumiti ako kay manong guard at halata ang pagkagulat ni manong dahil sa ginawa ko.

"Ma'am pwede ko naman pong pakiusapan si ma'am Jelay pumasok na po kayo ako nalang po gagawa ng palusot" Patuloy ang pagpapaliwanag nito ngunit ngumiti lamang ako.

"No it's okay kuya guard baka kayo pa po ang mapagalitan''

Ngiti ko rito at tatalikod na sana para tuluyang umalis ng may dumungol sa balikat ko na muntik pang maging dahilan ng pagkatumba ko buti nalang ay nahawakan ako ni manong guard

Nanlalaki ang matang nilingon ko kung sino mang tarantado ang bumanga sakin dahil halata namang sinadya niya iyon!

"Hoy!" Nangagalaiti kong sigaw sa lalaking nakatalikod na naglalakad papasok sa gate.

My Altruistic First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon