Pinagmasdan ni Amir ang maamong mukha ng nobya. Bakas dito ang pagkabalisa. Alam niyang pagod na ito sa kakahanap ng solusyon sa mga problema ng buong Zednanreh at ng kalupaan.Hinaplos niya ang blondeng buhok ng prinsesa. Hindi siya iniwan nito sa sobrang pag aalala sa kalagayan niya.
Pinipilit niyang maging karapat dapat sa babaeng nagmamay ari ng kanyang puso. Sana nga ay makayanan niyang kontrolin ang galit na nag uumigting ngayon.
Napapikit siya ng mariin. Pakiramdam niya ay may isang malakas at mainit na puwersa na gustong kumawala mula sa loob niya.
Hindi sinasadyang napisil niya ang braso ni Aira dahil sa matinding pwersang gustong kumawala!
Nagising ang prinsesa. Nakita niyang nagkukulay orange na ang mga mata ni Amir. Napansin niyang humaba at nagingl matutulis ang pinakapangil nito at nagtayuan ang mga buhok ng nobyo.
Biglang bangon si Aira. Hinawakan niya sa dalawang paa si Amir at saka iwinasiwas ng papaikot. Sabay lipad habang iwinawasiwas papaikot ng papaikot si Amir. Hanggang makarating sila sa tapat ng batis. Inilipad niya ito pabulusok sa tubig!
Medyo malalim ang binagsakan nila … sapat para makainom ng tubig sa batis si Amir sa sobrang lakas ng impact.
Parang natauhan ang binata nang maramdaman ang lamig ng tubig.
AMIR: B-Bakit mo ako inihulog dito ng nakadamit?
Natatawang tanong nito.
AMIR: May binabalak ka sa akin, ano? Hindi ka na ba makatiis? Sabik na sabik ka na ba sa ….
Hindi na natapos ni Amir ang sasabihin nito … napayakap sa kanya si Aira sabay iyak.
AMIR: Hey, nagbibiro lang ako. Sorry na …
AIRA: Tinakot mo ako!
Sabay suntok ng mahina sa balikat ni Amir.
AMIR: Natakot ka na halikan kita?
Kinurot ni Aira sa tagiliran si Amir.
AIRA: Muntik ka nang mag transform kanina! Natakot ako na baka hindi kita maibalik sa dati! Hu hu hu hu …
Napamaang si Amir. Ramdam niya ang takot sa puso ni Aira.
AMIR: Anong nangyari sa akin?
AIRA: Umahon na tayo nagiginaw na ako.
Binigyan sila ni Nikkita ng mga tuwalya nang makitang naglalakad sila galing sa batis na parehong basang basa.
Sinabihan sila ng reyna, ang ina ni Nikkita, na magpalit muna ng damit bago sila mag usap.
BINABASA MO ANG
El Viatge (Completed)
FantasyBe mesmerized with Aira in her roller coaster adventure filled with action, mystery, suspense, thrill and horror. Let us discover how a summa cum laude city girl turned into a very powerful persona awaiting her final destiny. Feel the love and roman...