CHAPTER FIVE

2.7K 229 31
                                    


Naguluhan si Aira nang nagmistulang tila ba  …. totoo … hindi mukhang setting lang …

Biglang pagkakaroon ng kalangitang maraming bituin sa itaas ng pinakakisame ng movie house.  Pero nasiyahan sya dahil pakiramdam nya napunta  sya sa ibang lugar. 

“Wow!  Ang cool ng effects parang planetarium …”

At nagsimulang manood si Aira.  Excitement ang naramdaman niya. 
Naglalakad sa hardin ang napakagandang dilag na mistulang naguguluhan.  Nakasuot sya ng isang gown na madalas nakikita natin sa mga palabas na kasuotan ng isang prinsesa.  Nasinagan ng liwanag ng buwan ang marikit nitong mukha. Nagningning ang mga batong palamuti sa kanyang korona. 

Lingid sa kanya ay kanina pa may nagmamatyag na anino sa dilim.  Mula sa kinatatayuan ng anino ay sumulpot sa tabi nya ang isang matipunong binata.
“LEANNA, wag mo nang ituloy ang maitim mong binabalak sa prinsesa.  Marami kaming nakatalagang mandirigma para pangalagaan sya!”

“Pwede ba REMOR, tantanan mo ako!  Sinira mo ang gabi ko!!!”  Kasabay noon ay naglaho ang anino sa dilim.  Umalis na rin si Remor para sundan ang anino.

May dumating para kausapin ang prinsesa.  “Kamahalan, matulog na po kayo at lumalalim na ang gabi …”
“Salamat, Ellaine, masaya ako at isa ka sa matatapat kong tagapangalaga.”
“Tungkulin namin sa ating kaharian ang maging matapat nyong tagabantay.”  Matamis na wika ni Ellaine.

TAKANG TAKA ang nanonood na si Aira.  Binalak nyang kalabitin si Leona para sabihing kamukhang kamukha nya ang character ni Ellaine sa pelikula, ngunit nabigla sya dahil wala si Leona sa tabi nya … Tumayo sya at palinga lingang hinanap sa madilim na paligid ang kaibigan … ngunit lalo siyang nagulat nang makita niyang nag iisa sya sa loob ng sinehan.  Nawala ang mga taong naroroon nang pumasok sila kanina.

Nagtatakbo sya dahil kinikilabutan sya sa isiping mag isa lang sya sa loob ng movie house.  Tinakbo nya ang pinto papalabas at binuksan niya ang pinto.  Laking gulat nya nang ayaw itong bumukas anumang pilit nya hanggang magsisigaw  sya at humingi ng tulong.  Ngunit walang dumating na tulong.

Ngayon nya lang naisip na bakit pamilyar ang mga karakter na nasa pelikula?  Si Ellaine parang si Leona.  Ang kumausap sa anino kamukha ng estatwa sa coffee shop … si Remor.  “Ang  prinsesa …. Ang prinsesa … Oh my God!!! Kamukha ko sya!!! Ahhhhhh!!!!”  Malakas na tili ni Aira.
Biglang nawalan ng ulirat si Aira sa sobrang impact ng mga pangyayari.

Nang magmulat sya ng paningin ay nasa loob na sya  ng isang maharlikang silid.  Biglang napabalikwas si Aira … ang kanyang kasuotan ay naging mistulang ang prinsesang napanood nya kanina. 

Mararahang katok mula sa pintuan ang kanyang naulinigan.  Bumukas ang pinto at may mga dumating …

“Maligayang pagbabalik, aking anak.”  Masayang tinig mula sa hari.
“A -anak???”
“Ikaw ang nag iisa kong tagapagmana Prinsesa Aira.  Alam kong hindi mo pa masyadong mauunawaan ngayon pero darating din ang oras na mapagtatanto mo ang lahat.  Syangapala … si Ellaine ang pinuno ng tagapangalaga mo, si Remor ang pinuno ng mandirigmang ang espesyal na tungkulin ay siguruhing ligtas ka.  Si Abigail, ang makangyarihang engkantada na di mo namalayang sumusubaybay sa yo  sa lupa.”

“Si Abigail?  Ikaw ang campus queen hindi ba?”
“Opo kamahalan … lahat kami ay iyong tagasubaybay.

“Mahal na hari … kung inyo pong mamarapatin … bukas ay sisimulan na namin ang pagsasanay sa mahal na prinsesa.”  Wika ni Remor.
“Makakaasa po kayo mahal na hari na nakaantabay lahat ng tapapagsanay sa bawat paglalakbay ng mahal na prinsesa …”  susog ni Ivy at Abigail.

Natutulala na lamang si Aira.  Pakiramdam nya mahaba na ang kanyang panaginip.  Bakit hindi pa sya gumigising?

Ang lugar na iyon ay tinatawag na Regne de Zednanreh … ang kaharian ng mga makakapangyarihang angkan na pinaghaharian ni Haring Orlando.  At si prinsesa Aira ang kaisa isang tagapagmana ng trono. 
Gusto na nyang gumising sa pinagsasabi ng mga tao sa lugar na to.  Ngunit kahit anong pilit nya ay patuloy na lumilipas ang oras na sya ay nasa palasyo. Hanggang sa nakatulog na sya sa kaiisip.

Kinabukasan ay pumasok sa silid nya ang mga tagasilbi at inalayan sya ng  almusal.  “Mahal na prinsesa … pagkatapos nyo pong kumain ay bibihisan at aayusan namin kayo upang iharap sa bulwagan ng lupon, bago simulan ang inyong pagsasanay.”  Wika ni Ellaine.

Nanahimik na lamang sya dahil sa totoo lang gutom na talaga sya.  Matapos kumain ay dinala na sya sa silid kung saan sya paliliguan, ibabad sa kung anu anong herbs na noon nya lamang nakita.
Matapos syang ihanda ay dinala na sya sa bulwagan.  Nakaupo ang lupon  ng mga tagagabay ng hari.
May pumasok na isang tao na lubhang nagpakabog ng dibdib nya!

“Sa lupon ng mga tagagabay ng Hari, ipinaaalam ko sa inyo ang pagdating ng aking kaisa isang anak, ang ating magiging Reyna sa hinaharap … si Prinsesa Aira!”  malakas na wika ni Reyna Dammie.
“Inay!!!”  Pasigaw na sambit ni Aira at palapit na niyakap ang ina.
“Anong nangyayari?”  May luhang tanong ni Aira.

“Ito ang ating mundo, anak.  Ang Regne de Zednanreh.  Bumalik na tayo dahil panahon na para makilala mo ang iyong pinagmulan.  Panahon na para magsanay ka at maglakbay.  Huwag ka mag alala … may mga tutulong sa yo para hasain ang iyong mga kakayahan.”  Sabi ni Reyna Dammie.

Si Remor ang sadyang nagturo kay Aira ng iba’t ibang istilo sa pakikipaglaban gamit ang lakas.  Lahat ng klaseng offensive at defensive styles ng pinaghalu  halong martial arts combinations ay itinuro nya.  Likas na mabilis matuto si Aira dahil nasa kanya na ang kumbinasyon ng mga kapangyarihan ng kanyang ama at ina.  Pagkatapos ng dalawang linggong pagsasanay  kay Aira ay kumbinsido si Remor na sya nga ang nakatadhana.  Sa nasaksihan nyang liksi at konsentrasyon ay nag uumapaw ang mga pambihirang pwersa na tanging kay Aira nya lamang naramdaman.  Kung tutuusin ay hindi pa ito mulat sa angkin nitong kapangyarihan.
Sa susunod na mga araw ay tuturuan naman siya ni Ellaine kung paano gamitin at kontrolin ang kanyang mga powers.

Matuling nagdaan ang mga oras … araw … marami ng kaalaman ang natutunan ni Aira.   Batid ng tagapangalaga na handa na ang prinsesa para sa kanyang paglalakbay. 
“Basta wag po ninyong iwawaglit sa isip ninyo kamahalan … nasa puso ang daluyan ng lahat ng inyong kakayahan.”  Muling paalala ni Ellaine...



                  

El Viatge              (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon