CHAPTER TWENTY SIX

1.7K 164 8
                                    


Pagkatapos nang siesta time with halo halo … nagpalipas muna sila ng dalawang oras sa may orchard ng palasyo.  Masarap tumambay sa lugar na iyon … may isang malaking cottage doon … mahangin at swak para magpalipas oras after a heavy meal.

Nang feeling inaantok na sina Amir ay saka biglang sinabihan ni Aira na paalis na daw sila.

AIRA:  Okay, guys … let’s go!!!

Napangiti ang estranghero nang pupungas pungas na magtayuan ang tatlong kaibigan ni Aira.  Sobra kasing dami ng nakain nila kanina. 

In fairness … ngayon niya lang natikman ang mga putaheng iyon pero gustung gusto niya.  Bago sa panlasa niya at napakasarap lahat wala siyang itulak kabigin sa mga natikmang pagkain.  Sobrang sarap!  Sabi niya sa sarili …

Gumayak na din siya … nagulat siya nang makita ang The Power Four … may costume ang mga ito … ang astig tingnan.  Lalo siyang napabuntunghininga pagtitig niya kay Aira.  Sobrang gandaaaa!!!

Kitang kita ang hubog ng kanyang katawan sa suot na mala supergirl na damit.  Mas maganda pa rin si Aira … bagay na bagay dito ang kulay pink at white … na kumbinasyon  ng suot niyang outfit.  Sobrang puti pa nito … wala ka nang hahanapin pa.

Yun nga lang … taken na!!!  Off limits kung baga … saklap naman … sabi niya sa sarili … haaaayyyy!!!

Naghawak hawak na sila ng kamay.  Nagbigay ng babala si Aira na walang bibitaw sa pagkakahawak dahil hindi nila alam kung sasalubungin ba sila ng dambuhalang  alon.  Nanigurado ang prinsesa.  Ikinulong niya silang lima sa  loob ng bolang kristal  … bilang proteksyon sa anumang naghihintay sa kanila sa isla.  Bumilang siya ng lima at agad na siyang nagteleport.  Hawak niya ang kamay ng estranghero para makita niya sa isipan nito ang isla.  Nang matukoy niya ang lugar na pupuntahan.

Lumabas silang palutang lutang sa dagat.  Dahil nasa loob sila ng bolang kristal ay walang nangyaring masama sa kanila. 

Lumabas si Aira sa bolang kristal.  Lumipad siya at binitbit ang bolang kinalalagyan ng apat.  Inilipad niya iyon sa pampang.  Nang matiyak na ligtas na doon ay inalis na niya ang kristal. 

AZAAM:  Halikayo doon … doon ako naninirahan sa may kuweba.

Nagpatiunang maglakad ang estranghero.  Matapos ang ilang minutong  paglalakad ay nakita na nila ang sinasabing yungib.  Nagulat ang apat.

Maganda at maayos ang labas ng kuweba.  May taniman ng iba’t ibang uri ng gulay.  Mukhang masinop ang nakatira.

AZAAM:  Wala kasi akong nagawa dito dati kaya sininop ko na lang ang lugar na ito.

Paliwanag ng estranghero.

AZZAM:  Halikayo, pasok … tuloy kayo dito sa loob.

Mas nagulat sila sa loob ng kuweba.  Mistulang malaking resort cottage  ang kuweba.

Maayos na maayos ito at malinis.  May kuwarto para sa tulugan … ang papag na malaki ay gawa sa mga kawayang kininis niya.  Malaki ang silid tulugan.

AIRA:  Ikaw lamang mag isa dito?

AZAAM:  Oo,  kamahalan.  Sadyang nilakihan ko lang ang higaang papag para kung may maligaw dito may matutulugan.  Marami naman kasing kawayanan sa banda doon.

AMIR:  Ang cool dito … kumpleto!!! May laundry area pa … labahan at sampayan ng mga damit …

Biglang natigilan si Aira.

AIRA:  Mga damit??? Akala ko ba napadpad ka lang dito??? Iniluwa ka ng dambuhalang alon may kasamang mga damit???

AZAAM:  Matagal na rin pong palaisipan sa akin iyan … ngunit wala talaga akong maalaala …

AIRA:  Nasaan ang bag na nilagyan ng damit?
Seryosong tanong ni Aira.

AZAAM:  Sandali lamang po at kukunin ko, kamahalan.
Kinuha ng estranghero ang bag na itim … isa itong malaking travelling bag na mukhang pag aari ng isang kilalang tao.  May simbulo kasi iyon na naka ukit sa gitna nito.  Mukhang maharlika ang may ari ng bag.

Kinuha ng prinsesa ang malaking bag.  Hinawakan ito at saka pumikit … bumuntung hininga ng napakalalim ….

AIRA:  Amb el meu poder, mostra’m la veritat!!!

Tatlong beses niya itong sinabi …

Katahimikan ang naghari sa sandaling iyon.  Naging nagngangalit na kidlat ang mga mata ng prinsesa …  naging asul ang mga mata at buhok nito sa loob ng mga tatlong minuto.    Pagkuwa’y bumalik ito sa normal.

Nakita ni Aira sa isipan niya nang hawakan niya ang bag … na may isang lalaking nakatalukbong ng itim na hood … siya ang nag eempake ng mga damit at inilagay sa bag na iyan.  Parang kuwarto ng isang prinsipe ang lugar.  Nagmamadali siyang nag eempake halos hindi na niya pinipili ang ilalagay na damit basta lagay ng lagay sa bag na iyan.  Panay ang linga niya sa paligid na waring takot na may makakita sa kanya.

AZAAM:  Anong hitsura ng kanyang mukha?  Ako ba???

AIRA:  Magkasingtaas kayo .  Pareho ng pangangatawan … ang mukha niya … hindi ko masyadong naaninag kasi may nakatakip na hood.

AZAAM:  Ganyan din ang sinabi ng pawikan tungkol sa ermitanyong nagligtas sa akin.  Pero nakita niya ang mukha … walang hood … nakita ni pawikan!!!

Nagkatinginan ang tatlo.  Niyaya ni Aira ang estranghero sa pawikang sinasabi nito.  Gusto niyang mahawakan ang pawikan para makita niya ang nakita nito.

Pumunta silang lima sa dalampasigan umupo sila sa dalampasigan at inabangan ang paglabas ng pawikang sinasabi ng estranghero.

Ngunit matagal na silang naghihintay ay walang pawikang dumating.  Pinuntahan nila ang lugar kung saan nagtiripon tipon ang mga ito.  Subalit wala ni isa man ang naroon.

AZAAM:  Gusto nyo ba munang magpahinga sa itaas ng punongkahoy?  May bahay ako dun   Matatanaw natin mula doon kung may paparating na pawikan.  Mas kumportableng magpahinga kayo doon.

Itinuro ng estranghero ang isang malaki at malawak na puno mga ilang dipa ang layo mula sa pampang.  Hindi niya alam kung anong puno iyon pero matibay at malalaki ang mga sanga kaya nakagawa siya ng bahay sa itaas nito.  Marahil mga 25 hanggang tatlumpung dipa ang layo nito sa malapit sa dalampasigan.

AMIR:  Tara!  Mas mainam yan kesa sa tinambayan nating puno ng mangga … ilang oras nga tayo sa puno … buti may pa pizza ang prinsesa …

ELLAINE:  Nagpaparinig … kamahalan!

ANEEL:  Parang kakain lang natin ah!

Tawanan uli ang lima …

Narating nila ang puno.  Sanay sa akyatan ang tropa.  Ninja skills yun na itinuturo sa training ng mga kawal sa palasyo.  Bata pa sina Amir, Aneel at Ellaine ay trained ninja na sila.  Kaya sisiw lang sa kanila ang umakyat kahit sa matarik na bundok or gusali or puno. 

Nagandahan sila sa bahay sa puno.  Parang bahay talaga ito.  Kumpleto sa mga kagamitang gawa sa kawayan o gawa sa bao ng niyog. 

May buho din na nakakabit sa bukal.  Pinagdugtung dugtong na kawayan hanggang makarating sa puno.  Sa itaas kasi ng bundok matatagpuan ang bukal kaya naisip niyang kabitan ng mga kawayan at buho para magsilbing gripo niya sa kanyang kubo.  Kapag hindi niya ito ginagamit ay tinatakpan niya ng malinis na tela ng kamiseta at saka tinatalian para hindi tumulo ng malakas ay tinatapalan ng goma.

Sinabi ng estranghero na kung gusto nilang kumain mamaya ng mga sugpo at lobster ay pwede silang manghuli para maiihaw.  Pwede rin daw silang manguha ng mga prutas o gulay kung gusto nilang magluto.

AZAAM:  Iba ang lobster dito sobrang laki.  Isang lobster ay kasya sa inyong apat o sa ating lima.    Siguro mga dalawang lobsters at limang sugpo ay sapat na para mabusog kayo.

Na excite tuloy sina Aneel at Amir sa lobster at sugpo …  agad na nagyaya para manghuli. 

ANEEL:  Sana sinabi mo agad kanina para nanghuli muna tayo bago tayo umakyat dito.  Sarap tambayan itong kubo mo ha …

AMIR:  Oo nga … sobrang presko, maluwang, malinis at kumpleto rin sa mga kailangan mo.

AZAAM:  Sa loob kasi ng dalawang taon kong inilagi dito … talagang pjnagbuhusan ko ng panahon ang pagpapaganda dito.  Yun man lang ay makapalipas oras.

AZAAM:  Tara na … manghuli na tayo ng lobster at sugpo.

ANEEL:  Papagabi na baka abutin tayo ng gabi?

AMIR:  Di ba sabi niya … walang gabi at umaga dito … laging ganyan ang set up … kaya hindi tayo gagabihin.

ANEEL:  Oo nga pala … okay sige tara na … kamahalan … sasama ba kayo o maiiwan kayo dito ni Ellaine?

AIRA:  Sasama kami!  Baka kung ano pa mangyari sa inyo bigla kayong lamunin ng dagat … huwag kayong pakakampante … first rime natin sa lugar na ito … iba ang mensaheng hatid ng tubig at hangin.  Kaya extra careful dapat.

ELLAINE:  Kung ganun … let’s go guys!!!  Ingat tayong lahat!

Muli silang bumaba sa puno at naglakad papunta sa may batuhang bahagi ng dagat.  Doon sa may pinangingisdaan ng estranghero.

Itinuro ng estranghero kung saan banda nakakahuli ng lobster at sugpo.  Excited sina Amir at Aneel.  Hawak naman nina Ellaine ang buslong gawa sa kawayan … doon isisilid ang mahuhuli ng mga lalaking kasama nila.

Itinuro ng estranghero ang mga baklad na inihanda na niya sa parteng iyon ng dagat.  Bibisitahin na lang nina Amir at Aneel kung may huli na ang mga baklad na ikinabit ng estranghero bago pa man siya sinagip ni Aira.

AMIR:  Hey!  There is something here!  Can you please take a look …???

AZAAM:  Coming!

Lumapit ang estranghero kay Amir.  Tiningnan niya ang lambat na nakakabit sa baklad.  Napangiti ito.  Inalis niya ang baklad.  Ibinilin niya kay Amir na hawakan mabuti ang dulo ng lambat na nakabuhol.

Tumambad ang lobsters na kasing laki ng katawan ng pusa o aso.  Super laki. Halos madala nga si Amir nang pumipiglas piglas ito.  Apat ang nahuli nila ngunit sinabi ng estranghero na ibabalik nila sa baklad ang dalawa dahil masasayang lang daw baka hindi maubos. 

Tuwang tuwa si Amir … noon lang siya nakakita ng lobster na kasinglaki ng aso.  Tama ang estranghero … kasya na nga sa kanila ang isa.  Iiihaw nila yung dalawang lobster  .. yung isa ay iuuwi nila sa Zednanreh para sana sa hari at reyna.  Ngunit sinabi ng estranghero na yung dalawang malaking natira sa baklad ang iuuwi nila sa palasyo at bahala na ang kusinering magluto. 

Naisip tuloy ng estranghero na magdala na rin ng higanteng sugpo sa pagbalik nila sa Zednanreh.

Binuksan din nila ang baklad ni Amir.  Punung puno iyon ng malakakibg sugpo.  Ang isa ay kasinglaki ng isang malaking  bandehado .  Kaya kung magdadala sila ng sampung piraso ay makakatikim pati mga opisyal sa palasyo.

AIRA:  Hey, guys,  para kayong nagpi field trip ah … may pasalubong talaga sa palasyo???
AMIR:  Mahal na prinsesa, huwag ka nang kumontra!  Matutuwa ang reyna at hari dito… wala nito sa Zednanreh noh!

AIRA:  Oh … siya … buhatin nyo na paakyat at nang maiihaw na yan …

Mistulang nagbabakasyon lang ang peg ng lima.  Masasaya silang lahat.

Tuwang tuwa din ang estranghero  kasi may kasama siya ngayon … matagal na panahon din kasing mag isa lang siya sa islang iyon maliban sa mga hayop.  At higit sa lahat … kasama niya si Aira.

Kumuha lang sila ng limang sugpo at dalawang lobsters.  Yun ang kakainin nila mamaya.

Saka na natin balikan ang iuuwi natin sa palasyo para fresh pa … sabi ng estranghero.

Masasayang nagtungo na sa kubo sa itaas ng puno ang lima.  Nang maihatid na ang mga huli … nagpaalam ang estranghero na kukuha ng mga prutas … kukuha na rin siya ng mga patatas at lamang ugat para maiiihaw din.  May madaraanan siyang kamatisan … okrahan … talong … pwede ding iihaw para may gulay sila.

Nag volunteer si Amir na sasama siya sa estranghero para tumulong sa pagdadala.

Naiwan sa itaas ng puno ang tatlo.  Naisip ni Aneel na sa ibaba ng puno gumawa ng ihawan para  mas maluwag kumilos at iwas sunog.

Kaya sa ibaba nga sila nag ihaw …   humalimuyak ang mabangong amoy ng iniihaw nila …  nakaramdam ng pagkulo ng tiyan si Aneel …

ELLAINE:  Ha ha ha … gutom na naman!!!

At muli silang nagtawanan … Ibinalot nila sa dahon ng saging ang luto nang sugpo at iniakyat na sa itaas ng puno.

May malaking kwadradong kabinet silang nakita na naka hang sa may bintana … marahil doon itinatabi ng estranghero ang mga pagkain niyang luto na.  Malaki kasi ito.  Parang sinadya para sa malalaking lobster at sugpo.

May kalakihan din ang kubong ginawa ng estranghero.  Napakaluwag pa sa kanilang lima.  Maraming cabinets na pwedeng  paglagyan ng mga pagkain.

Samantala, nakarating na sina Amir at ang estranghero.  Marami silang iniuwing gulay at prutas.

May isang buwig na hinog na saging.  May limang buko.  May talong, kamatis, sibuyas, okra,  patatas at sweet potatoes.

Hindi na sila kumuha ng iba pa at baka hindi rin naman nila maubos.

Nilinis ni Ellaine ang mga gulay … iihaw nila ang patatas at kamote pati ang okra at talong … hihiwain naman ni Aneel ang sibuyas at kamatis para sawsawang ensalada …

Binutasan naman ng estranghero ang mga buko para mainom … inilagay na niya sa lamesa sa bahay na nasa itaas ng puno.

Pasulyap sulyap naman ang estranghero sa pampang ngunit wala pa siyang matanaw na pawikan.

Napuna ni Amir na tumayo si Aira sa may parang balkonahe  ng kubo.  Seryoso itong nakatanaw sa karagatan na parang kinakausap ang hangin.  Huwag kalilimutang hawak ng prinsesa ang kakayahan sa iba’t ibang elemento … hangin, tubig, lupa at apoy.  May kakayahan siyang kausapin ang kalikasan.

Alam ni Amir na nagsisimula na itong mag imbestiga  … kilalang kilala na niya ang prinsesa … lalo na kapag nananahimik ito.

Hindi kasi likas kay Aira ang maging tahimik kapag may kasamang mga kaibigan.  Kapag nananahimik ito at bumukod … ibig sabihin … may ginagawa itong importante kaya huwag mong iistorbohin.  

Pumikit ang prinsesa … sa kanyang isipan ay kinakausap ang samyo ng karagatan at ang hangin sa paligid … ilang minuto ring katahimikan.  Alam na kasi nina Ellaine ang gusto ni Aira kapag ganitong sitwasyon   Kung pwede lang wala itong marinig kahit kaluskos.

Mahusay naman sumakay ang estranghero.  Magaling makiramdam.  Tumahimik din ito gaya nina Aneel.  Hinayaan ang katahimikang magharing pansamantala.  Tutal ay para kanya naman ang ginagawa ng Power Four!

Halos pati paghinga ay kontrolado ng apat.  Inabot din ng kalahating oras ang pananahimik ng prinsesa.  Nakita nilang apat ang isang ipu ipo na namumuo sa dagat na unti unting papalayo na …

Pagkatapos ng kalahating oras ay medyo nanghina ng kaunti si Aira.  Agad tumakbo si Ellaine para alalayan si Aira.  Kailangan nitong makapag recharge.

DInukot ni Ellaine mula sa kanyang bulsa ang herbal tea na ginawa ng reyna.  Pinaghalu halong herbs na tanging ang reyna lang ang nakakagawa.  Kailangan ni Ellaine ng mainit na tubig … kitang kita ng estranghero kung paano sinindihan ng daliri ni Ellaine ang tuyong mga sanga ng kahoy para makapagpainit ng tubig.  Lahat ng miyembro ng The Power Four ay may mga kapangyarihang taglay.  Si prinsesa Aira ang pinakamalakas sa buong Zednanreh.

Nang kumulo na ang tubig ay agad tinimpla ni Ellaine ang special tea.

Ininom agad ng prinsesa ang tea.  Saglit na nahiga sa papag si Aira … na ikinabahala ng tatlo.  Hindi kasi mahilig humiga ang prinsesa.

AIRA:  Don’t panic, guys …  inaantok lang ako … iidlip lang ako … beware, okay?  Sandali lang ipipikit ko lang ito.

Umidlip na nga ang prinsesa.  Naging listo at mapagmatyag ang tatlo pati na rin ang estranghero.  Hindi sila nag uusap para makatulog ang prinsesa. 

Pumoste sa iba’t ibang direksyon ang tatlo para magmasid.  Pinakumutan naman ng estranghero ang prinsesa gamit ang pinatuyong balat ng tupa.  Mainit iyon sa katawan.  Malinis naman iyon dahil nilabhan niya na sa bukal.  Matagal ding pinatuyo sa sampayan.

Nakatatlong oras ding nakatulog si prinsesa Aira … masarap ang pakiramdam niya nang magising.

Naiinit na ng estranghero ang mga pagkain … sinimulan nang ihain nina Amir at Aneel sa lamesang gawa sa kawayan.

Napangiti si Amir … sa isip niya ay masayang misyon itong napuntahan nila.  Para lang silang nagbabakasyon.  Ibang atmosphere … parang sa farm nila Aira pero mas relaxing dito dahil sa dagat at bahay sa itaas ng puno.  At isa pang dahilan … ang laki ng lobster at sugpo!!! First time niyang makakakain ng higanteng lobster!!! Higanteng sugpo!!!  What an experience!!!

Nakakamay sila lahat kumain.  Ang taba at ang fresh ng mga niluto nila!!!

Malinamnam ang lobsters at ang sugpo.  Yun pa lang … solve na sila … pero siyempre may inihaw ding kamote at patatas … may grilled eggplant at okra  … kumpleto!  May buko juice pa …  riped bananas and blueberries ang fruits nila.

Masaya ang estranghero dahil nakikita niyang nag eenjoy sina Aira. 

Sina Ellaine at Aneel ang nagligpit ng kinainan  … itinapon nila ang mga dahon ng saging na kinainan nila sa may gubat.  Nakapaglakad lakad sika at nang makita ang bukal ay uminom sila doon at naghilamos. 

Masayang nagku kwentuhan sina Amir, Aira at ang estranghero sa balkonahe ng kubo.  Napatingin si Amir sa may dalampasigan.

AMIR:  Hey,  ano yun?  Parang dambuhalang pagong!!!

AZAAM:  Hayan na ang hinihintay natin!!! Ang pawikan!!! Tara na puntahan natin at baka hindi natin abutan!!!

Dali daling tumakbo papunta sa pampang ang tatlo.  Nakita agad sila ng pawikan.

AZAAM:  Magandang araw, pawikan!  Sila ang mga bago kong kaibigan … Aira, Amir … siya iyong sinasabi kong kaibigan kong pawikan.

PAWIKAN:  Kamusta kayo!!! Mabuti naman at may napunta ditong kauri mo. 

AIRA:  Pawikan … pwede ba kitang matanong?

PAWIKAN:  Oo naman … kung alam ko ang sagot … bakit naman hindi ko sasabihin?

AIRA:  Nakita mo daw ang mukha ng ermitanyong nagligtas sa kanya?

Napatingin ang pawikan sa estranghero.

PAWIKAN:  Oo, nakita ko siya …

AIRA:  Pwede ba kitang mahawakan?

PAWIKAN:  Naku, napakagandang binibini … pwedeng pwede po.  Kung gusto ninyo sumakay pa kayo sa likod ko!

Napakalaki ng bahay sa likod ng pawikan.  Malaki pa sa extra sized na batya.

AIRA:  Naku … huwag na … hahawakan na lamang kita.

Hinawakan na nga ni Aira ang pawikan at sabay pikit ng prinsesa at umusal muli ng mga banyagang salita.

Muling nagkulay asul ang mga mata at buhok ni Aira.  Ilang minutong katahimikan ….

Bumalik sa dating anyo si Aira.  Napakagat labi siya sa nakita sa kanyang isipan...





        

El Viatge              (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon