— CHAPTER 35 —
» CADEN'S POV «
Ilang araw na ang lumipas at ilang araw na din kaming hindi pumapasok, hanggang ngayon kasi ay hindi pa din natatapos ang mga pagtatanong ng mga tao about kay Czarina lalo na sa social media.
Sa loob ng ilang araw na pag s-stay namin dito ay naging mas close pa kaming anim.
Okay na din si Czarina medyo nakaka recover na din siya ng paunti-unti, pero minsan ay nakikita ko siyang naka tingin lamang sa bintana habang naka tulala at malalim ang iniisip.
Nandito ako ngayon sa terrace nila Kendrick habang pinagmamasdan ang kapaligiran.
“Ohh mag kape ka muna.” biglang sulpot naman ng kaibigan ni Czarina sabay abot sa akin ng kape. (Hailey)
“Sige, salamat.” naka ngiting tugon ko.
“Siya nga pala.. bakit nandito ka?” tanong niya.
“Wala naman nag iisip lang ng kung ano ano hahaha.” sagot ko naman.
“Sorry na istorbo ata kita.” ani Hailey.
“Hindi naman.. mas okay na yung may kausap ako, baka kasi mamaya kausapin ko na sarili ko hahaha." Pagbibiro ko naman.
“Caden pwede mag tanong?” she asked.
“Sure, what is it?”
“Marunong ka ba mag gitara?” tanong niya.
“Yeah! Tinuruan ako dati ng Daddy ko nung maliit pa ako.” sagot ko naman sa tanong niya.
“Talaga? Pwede mag request?” tanong naman ulit niya at ipinag-daop pa talaga ang mga palad niya at naka pout.
“Pleaseeee? Prettyyy pleaaase!” pagmamakaawa pa nito sa akin.
“Sure.” sagot ko naman.
“Pwede bang kantahan mo ako habang may gamit kang gitara? Bigla ko kasing na miss si Daddy eh. Palagi kasi niya akong kinakantahan noong bata pa ako at sa pamamagitan ng pag kanta at pag gitara ay nakaka tulog ako hehehe.” Pag ku-kwento niya sa akin.
“Sure, pero wala akong gitarang dala eh, kaya paano kita magigitarahan?” Tanong ko naman sa kanya.
Tumayo naman siya saglit at may kinuha sa gilid.
“Chaaaraaaaaannnnn.. hehehehe.” Masayang saad niya at ibinigay sa akin ang isang gitara.
“Saan mo nakuha ‘to?” tanong ko ulit sa kanya.
“Edi kay Kendrick hahaha. Nang hiram kasi ako ng gitara sa kanya kanina at balak ko sanang mag gitara dito sa terrace kaso nandito ka din pala, kaya ikaw na lang ang mag gitara para sa akin.” naka ngiting sagot niya.
Ang cute pala niya kapag ngumingiti, may pagka isip bata din siya, kaya mas lalo siyang nagiging cute sa tuwing mag po-pout siya.
“Sige. Anong song ang gusto mong kantahin ko?” Tanong ko naman.
“Hmmm.. alam mo ba yung ‘Especially For You?’ Pwede mo ba kantahin sa akin yun?” Tanong niya.
“Okay, sige.. buti alam kong gitarahin yan, kaya hindi na ako mahihirapan haha.” naka ngiti sabi ko pa.
“Yeheeeey! Thanks Caden.” aniya pa.
At sinimulan ko ng i-strum ang string ng gitara...
~Especially for you
I want to let you know what l was going through
All the time we were apart l thought of you
You were in my heart
My love never changed
I still feel the same...
BINABASA MO ANG
𝑴𝑨𝑵𝑰𝑳𝑨 𝑩𝑶𝒀 𝑴𝑬𝑬𝑻 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 1)
Teen FictionPaano kung magtagpo ang isang city bad boy at ang isang probinsyana?