Ikaw at ako—
Ngayon at kailanman—
Tago-taguan;
Kahit anong mangyari
Basta't kasáma kitá.
***
6 Pebrero 2021Pag naririnig ko ang mga kantang ito, ewan ko ba, lagi kong naaalala ang ILYS1892:
1. "Ikaw at Ako" nina Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez;
2. "Ngayon at Kailanman" ni Basil Valdez;
3. "Tago-taguan" ni Moira dela Torre;
4. "Kahit Anong Mangyari" (minus the last part) nina Janine Teñoso at Marione; at
5. "Basta't Kasáma Kitá" nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.
Naisip ko kasing dî sapat ang ilang salita lang para ilarawan ang ILYS1892 dahil masyadong malawak ang paksa nitó kayâ kahit sa isang tanaga lang, gamit ang pamagat ng mga kanta, ay maipahayag ko ang kabuoan ng nobela. Bukod sa features songs ng awtor ng ILYS1892 (WN), na-lss din ako minsan ng "Ikaw Lang ang Mamahalin" ni Joey Albert at ng "Ikaw Lamang ang Aking Iibigin" ni Celeste Legazpi na pag naririnig ko ang hulí ay nai-imagine ko ang panghaharana ni Eduardo kay Maria. "Ikaw Lang ang Mam'halin" sana at hindî "Kahit Anong Mangyari" kaso pag dinugtong ito sa hulíng linya ng tanaga:
Ikaw Lang ang Mam'halin
Basta't Kasáma Kitá
...nagkakaroon ng pangit na kahulugan ang tula. Parang sinasabi nitó na: porket nagkahiwalay sina Carmela at Juanito ay dî na nila mamahalin ang isa't isa. Siyempre, ibang-iba na yun sa mga nangyari mulâ sa nobela. SKL!Dahil Peb-ibig, ang isyu ngayong buwan ay alay para sa wattpad novels na 90–99% romance na nabása ko na.
BINABASA MO ANG
HAIKU, TANAGA, TANKA, TIGSIK
PoésieAng tulâ ay tulâ, maikli man o mahabà. A haiku poem has three lines, where the first and last lines have five moras, and the middle line has seven. The pattern in this Japanese is 5-7-5. The mora is another name for a sound unit, which is like a syl...