Kabanata 23

443 49 9
                                    

Mine

"Careful." Rinig kong sambit ni Justin kay Patricia habang isinasakay na kami sa panibagong passenger's boat na parang special bus ang disenyo sa loob. Nakahilera din ang mga upuan at may malaking flat screen tv pa sa pinakaharap.

Yes. Papunta na kaming Coron. Mukhang dito daw kami mas maraming gagawin. Magkatabi kami ni Maycee naupo. Sa likod namin ay si Kira at Kade at sa harap namin si Rios at Zenry. Nasa ibang pwesto na ang iba naming kasama. Sila Patricia at Eunice ay katapat lang namim ng upuan.

Kanina palang sa pilahan ng mga bagahe namin for checking, ramdam ko na ang iritableng Maycee. Nakatingin siya sa phone niya at parang may hindi nagugustuhan don.

"Kanina ka pa walang imik jan. Nakabusangot ka pa." Puna ko. Agad niyang itinaob ang phone sa lap niya at parang pagod na bumuntong-hininga.

"Si Klane kasi, e."

Kumunot agad ang noo ko. "Ano siya?"

"He's in the hospital. Nadisgrasya sa pangangarera. I think someone is behind of this. Hindi daw gumana ang break ng sasakyan niya." Napailing pa siya.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Binalot rin ito ng kaba at parang may namuong pawis sa sentido ko. Bakit hindi ko alam?

"Someone just posted it. Mga crazy fans siguro niya."

Napasandal ako sa backrest at tinignan ang picture ng sasakyan ni Klane na nakataob mismo sa may gilid ng racing field. Iyon ang naroon sa phone ni Maycee. May screen shot pa nito. Sabi ko naman kasi sa lalaking 'yon, e! Wag na siyang mangarera. Look at what happened!

"Hindi ata ako makakapag-enjoy sa Coron trip natin kung ganitong may inaalala tayong tao." Aniya sabay tago ng phone sa kanyang bag.

"Ang tigas ng ulo niya. Nakakainis siya!"

"Relax. Nagkainjury lang siya, nagkausap kami nila tita sa messenger about it. Gagaling din yon at alam ko naman na hindi siya pababayaan ng parents niya. Pero hindi ko lang din talaga maiwasan ang mag-alala."

Hindi na ako sumagot pa. Buong byahe ay tahimik ako. Kahit alam kong hindi malala ay nag-aalala parin ako. Klane's been also a good friend slash ex-boyfriend of mine. Walang dahilan para isawalang bahala ko ang nangyari sa kanya ngayon.

"You okay?"

Napapikit ako nang humarang ang buhok sa aking mukha sa pagharap ko kay Rios. Nakababa narin kami ng passenger's boat at ngayon ay narito sa main station. Ang lakas na hangin at rinig ko rin ang hampas non.

Siya na ang umayos ng buhok ko na siyang dapat na gagawin ko.

"Naaksidente si Klane. I'm worried for him." Sagot ko at napayuko nalang dahil malakas talaga ang hangin at baka mapasukan ng dumi ang mata ko.

Ang mga kaibigan ko ay hila-hila ang mga bag nila papunta doon sa may van station. Iyon ang susunod naming sasakyan.

Nang tignan ko si Rios ay nakanguso ito. He's already wearing his sunglasses kaya hindi ko makita ang emosyon sa mga mata niya. Tanging nakikita ko lang ay ang repleksyon ko sa dalawang bilong nito.

"B-bakit?" Alalang tanong nito dahil sa panamahimik niya at nakatitig pa sa akin.

"Buti pa si Klane. Kahit nasa malayo, nalaman mo agad ang nangyari sa kanya. While you don't when I was in the same situation. Na halos ikamatay ko rin."

Napalunok ako. Tumingin ako kay Maycee na tinutulungan ni Zenry sa mga bagahe nito. Ngayon ko lang din naisip na ilabas ang sunglass ko sa lagayan nito sa bag para hindi ako mahirapan sa pagtingin-tingin ko. Naging chansa ko yon para iiwas ang paningin sa kanya.

Escaped The Golden Rule (Golden Rule Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon