Kabanata 03:

5.5K 219 43
                                    

KABANATA 03

"I don't have time for nonsense and unimportant things, okay? Kung may plano kang pag-tripan ako, you better stop that—"

"Gusto nga kita, Aster! Gusto kita! Gustong-gusto kita!"

Hindi ako magpapaawat, kailangan kong mapaniwala s'ya sa ngayon pa lang. Ayokong magsayang ng oras lalo na ayoko pa naman sa kan'ya.

Sa buong buhay ko, s'ya lang ang lalaking gusto kong sumpain. Ang halos gusto ko nang kulamin. Ayoko sa kan'ya, ayoko talaga sa kan'ya at hinding-hindi ako magkakagusto sa katulad n'ya.

"You..." Dinuro n'ya ako at inarkuhan ng kilay. "Stop playing around with me, okay? It's not—"

"Bakit ba ayaw mong maniwala? Gusto nga kasi kita e'." Lumabi pa ako at binigyan s'ya ng nagmamakaawang tingin. "Gusto kita," mas klarong sabi ko.

Ngayon, seryosong tono na ang ginamit ko para mas lalo ko pa s'yang mapaniwala. Napatitig s'ya sa akin ng ilang sandali na nakaawang ang bibig. Maniwala ka, Aster, please.. kailangan ko ng pera!

"Fuck! Just fucking shut up! I fucking hate your fucking voice!"

Palihim akong umirap dahil sa kan'yang sinabi. Ang arte lang, ah? Bakit? Gusto ko ba boses n'ya? Magpasalamat nga dapat s'ya kasi may magandang dilag na umamin sa kan'ya na gusto s'ya kahit hindi naman talaga!

"Let's go, ihatid na lang kita sa inyo," an'ya at nauna nang maglakad.

Bumuntonghininga na lang ako at sumunod sa kan'ya. Mabuti na lang ay ihahatid n'ya ako, siguro naawa sa akin kaya gano'n. Ang dami kasing tambay sa mga ganitong oras, ang dilim pa, baka mamanyakan pa ako pagnagkataon! Ang ganda ko pa naman!

"Where—" Hindi pa kami nakalagpas sa may kanto ay humarap na s'ya sa akin.

"Sa may block three pa," sagot ko na lang kahit naiirita na. "Sa kabila pang kanto," dagdag ko na ikinatango n'ya na lang.

Sumunod ako sa kan'ya. Ang boring n'ya kung kasama! Ano kaya gagawin ko? Gagawa ng topic para may mapag-usapan kami? Ayoko pa naman sa lahat ang makasama ang isang katulad n'ya. Masyadong mayabang!

Dali-dali akong lumapit sa kan'ya at hinawakan s'ya sa kan'yang braso kaya napatigil s'ya sa paglalakad at binaba ang tingin doon. Mas hinigpitan ko pa, para lang asarin pa s'ya. Alam ko naman kasing ayaw n'yang hinahawakan s'ya.

Narinig ko ang malalim n'yang hininga 'tsaka hinayaan n'ya na lang ako, hindi s'ya umangal at hindi n'ya rin ako sinuway kaya imbes na s'ya ang mainis, ako ang nilamon ng inis!

Takte! Gusto kong inisin s'ya e'! Pahamak naman!

"Oh? Gabing-gabi na, Astra? Sino'ng kasama mo? Boyfriend mo ba, hija?" tanong ni Aling Martina nang mapadaan kami sa bahay n'ya, isa rin kasi s'ya sa mga kaibigan ni mama.

Ngumisi ako kasi may pumasok sa isip ko. Siguro, dapat akong magkunwari na kami talaga para mas lalo pa s'yang maasar! Bubuka pa sana ang bibig ko para magsalita ngunit agad akong inunahan ni Aster na s'yang ikinabaling ko sa kan'ya.

"Yes, I am her boyfriend."

Laglag ang panga ko sa salitang binitawan n'ya. Palihim kong kinuyom ang kamao dahil sa matinding pagkairita at inis. Nakakagigil! Inaasar n'ya ba ako?

Pinagmasdan ko s'ya para basahin kung ano ang laman ng isip n'ya pero sadyang wala talaga akong mababasa dahil walang kahit anong emosyon ang mababasa sa kan'yang mga mata.

"Mabuti naman! Gabing-gabi na kasi kung umuuwi si Astra kaya walang tagahatid, mabuti na lang ngayon!"

Ngumiti na lang ako sa ginang at hinila si Aster palayo rito. Baka kung ano pa ang sabihin n'ya rito at kakalat pa sa buong San Roque! Kahiya ba naman!

Darkness Of The Sky (Atlanta Series #1)Where stories live. Discover now