Kabanata 01:

12K 321 54
                                    

KABANATA 01

"I will group you into three and each group will present or make a power point about the things you have learned in this class."

Napahikab ako sa narinig sa aming profe. Medyo naaantok pa ako dahil sa trabaho ko kagabi.

Dapat focus na kami sa graduating ngayon dahil ilang buwan na lang graduation na, lagi na lang kaming pinapaggawa ng mga powerpoint, parang first year lang. At si Mrs. Dafel ang nangunguna sa listahan ng tagapagawa. Pero okay lang naman, at least groupings ang presentation ngayon, minsan lang nagpapa-groupings si Prof kaya suwerte namin ngayon. Lagi kasing individual ang works na pinapaggawa niya e'.

Tahimik ang buong klase at hinihintay pa ang kan'yang idadagdag.

"Zulueta!"

Napatuwid ang upo ko sa aking kinauupuan nang dahil sa malakas na sigaw n'yang iyon.  Kumuha siya ng Eraser for white board sa box na pinaglalagyan n'ya nito at binato ito kay Dalia. Ang kaklase kong tinawag n'ya.

"Hindi ka na naman nakikinig sa klase ko!" sigaw n'ya rito kaya napaitlag si Lia at agad na inayos nito ang kan'yang sarili.

Gulong-gulo pa ang kan'yang buhok, mukhang hindi nakasuklay. Mukhang lutang din.

"I-I'm sorry, prof. M-Makikinig na po ako, m-may tiningnan lang po sa labas," paghingi n'ya kaagad ng paumanhin dito at yumuko pa bilang pagrespeto sa guro.

Halos umasim pa ang mukha ng guro namin sa kan'ya at inirapan s'ya. Rinig ko pa ang mga bulong-bulungan ng mga kaklase ko dahil sa nakita sa ginang. Hindi naman kasi p'wedeng gan'yan dahil kapag bigyan kami ng evaluation form galing sa admin, maaaring ikakasira niya iyon. Marami pa namang kaklase ko ang ayaw sa kan'ya.

"Hay! Bait-baitan..."

Rinig kong bulong nito na palihim ko ring ikinairap. Ma-attitude talaga ang gurong ito. Hay nako! May mga ganito talaga, e'.

"Okay, back to our topic." Pinabagsak n'ya ang kan'yang kamay sa kan'yang lamesa na ikinasanhi nang pagkatahimik ng buong klase. "BSOA 4-H! I am asking for your attention!"

"Ang boring, ang tagal pang matapos ng klase." Rinig ko ang mahinang bulong ng aking katabi na si Jared kaya umirap ako sa kan'ya.

"Manahimik ka, Red. Baka tayo ang sunod na mapagalitan," saway ko rito.

"Class! Class! Ayoko sa lahat ang hindi nakikinig sa klase ko!" muling sigaw ng Prof namin, halatang napupuno na.

Baka nagme-menopause na ito kaya ang bilis mag-init ng ulo. Sabagay, palagi rin namang mainit ang ulo nito kaya hindi na nakakapanibago.

"Ayoko nang ulitin ito! Naintindihan 'nyo ba?!" Tumango naman ang iba naming kaklase sa pagalit n'yang tanong. "Kolehiyo na kayo at graduating na! Ano ba'ng ugali mayroon kayo?! Be professional and be matured enough! Ugali ninyong pang-kindergarten!"

Napabuntong hininga na lang ako dahil heto na naman, sermon na naman. Paulit-ulit na lang ang mga salitang sinusumbat n'ya sa amin. Kung hindi kami itutulad sa kindergarten, ikukumpara naman kami sa ibang sections. Gan'yan siya sa amin, halatang ayaw niya talaga sa section namin.

"Now! This is final! Hindi ko na ito uulitin! Panghuling taon na pero wala pa ring pagbabago ang mga ugali ninyo!" Naii-stress n'yang sigaw at padabog na umupo sa may teacher's table. "I will group this class into three group!"

Darkness Of The Sky (Atlanta Series #1)Where stories live. Discover now