KABANATA 05
Maaga kaming pinauwi dahil sa urgent meeting ng professors namin. Marami ang natuwa at isa na 'ko ro'n. Minsan lang nangyayari ang ganito e'. Pahinga muna kasi!
Mabuti na lang nga ay naging BSOA ako. Tanging mga business administration at office administration lang ang may meeting, and some students naman ay may klase, lalo na 'yong mga BS-IT, BS-IS at Education students.
Nagulat na lang ako nang madatnan ko si Aster sa harap ng room namin, nakapamulsa at mukhang may inaantay.
Agad din siyang lumapit sa akin nang makita akong kalalabas lang ng room. Bumaba ang tingin niya sa shoulder bag ko bago bumaba pa sa mga maliliit na librong dala-dala ko. Hiniram kasi ito ng mga classmates ko kaya ngayon heto...
"Why did you bring that with you?"
Kumibit balikat lang ako at nginuso ang daan sa locker room. "Ilalagay ko lang muna ang mga 'to sa locker ko."
"Pocket books?" Tumango na lang ako sa kanya at nauna nang maglakad papuntang locker area.
Ramdam kong sumunod din siya sa akin kaya hinayaan ko siya. Nang makarating na ng locker ko ay kaagad ko itong binuksan na ikinapikit ko ng mariin. Oo nga pala, puno na pala 'to!
"You can put your things in my locker," aniya na ikinabaling ko sa kanya. Inabot niya rin sa akin ang susi ng locker niya, kaya tinanggap at kinuha ko iyon bago siya binigyan ng matamis na ngiti. "And make sure that you'll place it properly, it's disgust me when the things inside my locker are messed up."
Dumiretso kami sa may locker ng BSBA. Binuksan ko ang locker niya gamit ang susing inabot niya sa 'kin kanina at inisa-isa ang paglagay ng mga pocket book ko. Masyado kasing malinis ang locker niya at maayos ang lagay, natatakot din yatang magulo ko. E'di siya na ang malinis ang locker!
"Teka? Hindi ka pala sasabay sa mga kaibigan mo?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Nakakapagtaka lang kasi dahil sa akin siya dumiretso.
"Nah," maikli niyang sagot.
Babaho na talaga ang bunganga niya e'. Lagi ang ikli niyang magsalita at ang boring kung kasama!
"Okay," sagot ko na lang din at tumalikod na sa kanya. Palihim akong umirap at inayos ang bag ko.
"I brought my car with me, I can drive you home."
Halos umaliwalas ang mukha ko nang sabihin niya iyon. Wala lang, natutuwa, kasi hindi ko na kailangan pang gumastos para umuwi! Agad kaming tumungo sa may parking area at dumiretso sa kanyang sasakyan. Alam at kilala ko na ang sasakyan niya dahil parati ko nang nakikita iyon dati pa.
Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan, ang hayop may kabaitan din pala. Hindi lang halata!
"Fasten your seat belt," aniya.
"H-Ha?"
Agad akong tumalima at sinubukang hilahin ang seat belt sa tabi ko. Hinahatid naman ako ni Sun, pero sadyang hindi talaga ako nag-seatbelt dahil sa backseat naman ako umuupo. Ayoko sa front seat kaya ito ang unang beses ko.
"You look scared." Dinig ko pa ang mahinang tawa ng kasama ko at siya na mismo ang lumapit sa akin para lagyan ako ng seat belt. Napahinga ako nang maluwag nang mag-click na ito, kaya lumayo kaagad siya sa akin. "Is it your first time, isn't it?"
YOU ARE READING
Darkness Of The Sky (Atlanta Series #1)
RomanceATLANTA SERIES #1: DARKNESS OF THE SKY Astra Halley agreed to seduce the man she hates the most. Astra had never been through seduction, but she is true to her words, so she'll continue the dare no matter what. Asterope is a certified playboy, and n...