EUNICE CHEN'S POV
Kinaumagahan, tuloy parin kami sa Water Manipulation Challenge. Hindi pa kami nagkakaroon ng tubig sa timba namin mapa-hanggang ngayon.
"Matagal pa talaga ito?" Tanong ni Engra.
"Makakakaya ninyo yan, Girls." ganito nalang ang sabi ni Tito.
Tuloy parin sa pagpapa-manipulate kahit wala naman pina-manipulate.
Habang patuloy lang kami sa Training ay may dumating ma isang lalaki sa aming kinaroroonan.
Si Aron.
"Hi po, Tito." pagbati ni Aron kay Tito.
"Oh Aron, Nandito kana pala.", lumapit si Tito ka Aron.
"Ah... Mapa-hanggang ngayon pala eh hindi pa sila nagkatubig?" Pagtatakang tanong ni Aron.
"Ah Aron, pwede muna silang i-manage for a while." Pabor ni Tito kay Aron.
So ibig sabihin siya ang in-charge muna ngayon?
"Ah... Opo!", Nakangiti si Aron kay Tito.
"OhTeka lang! Asaan yun dalawang kasama mo?" Tanong ni Tito.
"Day-off kasi namin ngayon. Si Lala ay busy sa Petreoum Company niya habang nasa Capital Ocean Park naman si Rona dahil nagtitinda siya ng Turon at Maruya ngayon eh kasama ang kanyang nanay." Sagot ni Aron.
"Ah... Okay!", bitbit ni Tito ang kanyang bag at sabing "Mauna na ako at ingat sa inyo..."
"Sige po..." Tugon namin tatlo.
Nakaalis na si Tito Simoune sa amin para sa Exhibit ngayong araw na ito.
"Hayzzz!!! Kayo pa hindi pa nagkatubig." Wika ni Aron.
"Turuan mo kami, Aron." Sabi ni Engra.
"Hmmmm...", may dalang posporo at kandila si Aron. Sinindihan niya ito at sinabi niya na "Tignan ninyo ang apoy sa kandilang ito.."
"Ano meron sa kandilang iyan?" Tanong ni Engra.
"Aron, Tapos na tayo sa fire. Bakit may-"
"Just tignan ninyo lang.", wika pa ni Aron laya nahinto ako sa pagsasalita.
Habang ginagawa parin namin ang challenge, tinitignan namin ang apoy na nasa kandila pero biglang may basa agad sa timba.
Tinignan ko ang timba at may tubig. Ganun din ang nangyari nang kay Engra.
"Hala! Saan mo natutunan yang logic na yan?" Tanong ni Engra.
"Sa sunog kakahapon." Sabi ni Aron.
"Sunog kakahapon? Saan sunog?" Tanong ko naman.
"Sa Iskwater Area malapit sa HQ namin." Sagot naman ni Aron.
"H-hindi nga?", laki ang ngiti ni Engra noong nagka-tubig siya.
"Try naman natin na patayin ang apoy sa kandila.", biglang pinatay ni Aron ang Apoys sa kandila. "At itapon naman ninyo ang tubig na nasa timba pagkatapos ay ulitin ninyo naa naka Focus..."
"Ano?!" Nagulat si Engra sa sinabi ni Aron.
"Okay na nga yung eh." Sabi ko naman.
"Try ninyo kaya." Sabi naman ni Aron.
Tinapon nga namin ang tubig sa CR tapos inulit namin ang challenge, pero hindi kami nakatingin sa apoy o walang apoy na maari namin tignan.
Nagawa naman pero kakaunti lang ang tubig, atleast natapos namin ang challenge.
BINABASA MO ANG
The Dream Match [COMPLETED]
FantasySi Aron James Landez ay isang binata na may kilalang background ng pamilya. Siya ay anak ng kasalukuyang pinuno ng Capital State, isang posisyon na may kasamang napakalaking responsibilidad at kapangyarihan. Ang ama ni Aron ay hindi lamang isang pol...