♫Que sera oh que sera
The future will be will be with us
I've seen the headlines in the paper
They say the end is coming soon
I wanna make love till it's over
If I'm goin' down it'll be with you
Let me love you for a day let me love you for a night
Let me take you far away into forever
Ay ay ay I don't wanna let you go
Nena yo let me undress your soul
Ay ay ay I can take you to another world
Never go let me take you home tonight
Que sera oh que sera
As the countdown's getting closer
There is madness in the air
I wanna be under the covers
Baby, in your arms without a care
Let me love you for a day let me love you for a night
Let me take you far away into forever
Ay ay ay I don't wanna let you go
Nena yo let me undress your soul
Ay ay ay I can take you to another world
Never go let me take you home tonight
Que sera oh que sera
The future will be, will be with us♫NAGISING si Margareta dahil sa kantang narinig niya. Akala niya'y sa panaginip lamang niya naririnig ang kanta. Naiwan pala niyang nakabukas ang kanyang radyo. Bumalikwas siya ng bangon nang mapansin ang oras sa orasang nakasabit sa dingding. Alas-otso na pala ng umaga at iyon ang unang araw na papasok siya sa Rancio Del Fuego. Pinaghandaan talaga niya iyon dahil matagal niyang inasam na makapagtrabaho sa kilalang rencio sa kanilang bayan.
Pumasok kaagad siya sa banyo at mabilisang naligo. Hindi puwedeng ma-late siya sa unang araw ng kanyang trabaho. Mabuti naihanda na niya ang kanyang susuuting damit kagabi pa lamang. Pagkatapos maligo ay kaagad siyang nagbihis. Hindi na niya pinagtiyagaang tuyuin ang kanyang ga-balikat na buhok na aalon-alon. Humarap siya sa malaking salamin na nakadikit sa pinto ng kanyang aparador. Hapit na pantalong maong ang isinuot niya at puting blouse na mayroong kuwelyo. Simple lamang siyang manamit. Hindi rin siya pala-ayos. Inisang bungkos lamang niya ang kanyang buhok.
Natural na nakaayos ang kanyang kilay na katamtaman ang nipis. Natural din ang haba at kapal ng kanyang pilik-mata na namana niya sa kanyang yumaong Lola. Katamdaman din ang tangos ng kanyang ilong na makitid. Bumagay ito sa maninipis niyang labi na naghuhugis puso at natural ang pamumula. Kahit hindi siya maglagay ng make up o lipstick ay marami ang nagsasabi na para siyang may make up. Lalo pa kapag nabibilad siya sa araw. Namumula ang kanyang balat. Lumilitaw ang dugong Español sa kanyang mukha at balat na makinis at katamtamang kaputian. Ang kanyang tangkad na limang talampakan at pitong pulgada ay namana niya sa kanyang ama. Maipagmamalaki rin niya ang natural niyang katawan na balingkinitan.
"Margareta!" tawag ng kanyang tiyahin.
Nang makapagbihis ay nagtungo siya sa kusina.
"Anong oras ka ba papasok sa rancio, Margareta?" tanong sa kanya ni Tiya Mercedes. Nagluluto na ito ng almusal nila.
"Alas-nuwebe po, Tiya," tugon niya. Tinulungan niya ang kanyang tiyahin sa paghahanda ng pagkain.
"Aba, anong oras na?"
"Mag-aalmusal na po ako." Nagmamadali siyang kumain. Nakalimutan niyang magdasal.
"Hindi magandang ugali sa babae ang nag-aapurang kumain, hija. Kahit nagmamadali ka, kumilos ka nang pormal at nakalimutan mong magdasal," sita ng kanyang Tiya.
BINABASA MO ANG
Amor Del Diablo (El Diablo trilogy 1)Preview Only
ParanormalComplete version is available only on Dreame