Prologo

56.6K 1K 25
                                    


NAKAPIKIT ang mga mata ni Margareta habang nakaluhod sa harap ng altar katabi ang lola niya. Taimtim ang kanyang pagdarasal habang ang lola niya ay bukam-bibig ang panalangin sa salitang Español.

"Dios, por favor protege a mi familia, especialmente a mi nieta. Protégela del mal y no la dejes sufrir la maldición del demonio. Dame fuerzas para luchar contra mi enemigo y perdóname por todos mis pecados. Amén," (God, please protect my family especially my granddaughter. Protect her from evil and don't let her suffer from the curse of the devil. Give me strength to fights my enemy and forgive me for all my sins. Amen,) dasal ng lola niya.

Iilan lamang ang alam niyang salita sa wikang Español, pero alam niya na kasama siya sa dasal ng kanyang Lola. Naantig ang kanyang damdamin habang iniisip kung gaano siya kamahal ng Lola niya. Ipinadama nito sa kanya ang wagas na pagmamahal ng isang magulang.

Mahusay na manggagamot ang Lola niya at eksperto ito sa mga espirituwal at paranormal na gawain. Sa edad na walong taon ay maraming hindi pangkaraniwang bagay ang natuklasan niya sa Lola niya. May kakayahan itong gumamit ng black magic o kapangyarihan ng dilim. Subalit naniniwala siya na mabuti ang hangarin nito. Marami itong natutulungang tao sa pamamagitan ng kakaibang kakayahan nito.

Pagkatapos nilang magdasal ay inanyayahan na siya nitong humiga sa kanilang kama. Nagtalukbong siya ng kumot habang pinapakiramdaman ang kilos ng lola niya. Mamaya'y pinatay na ng lola niya ang ilaw at humiga na rin ito sa kanyang tabi. Hindi siya makatulog, nababalisa siya.

Ilang sandali pa ang lumipas ay naramdaman niya ang pagkilos ng Lola niya hanggang tuluyan itong bumangon. Nang makalabas na ng silid nila ang kanyang Lola ay dahandahan siyang bumangon. Hindi siya nagsuot ng sapin sa paa habang sinusundan niya kung saan patungo ang Lola niya. Papunta na naman ito sa likod ng bahay kung saan ito nagsasagawa ng nakakakilabot na ritwal.

Kumubli siya sa likod ng malaking puno habang pinagninilayan ang ginagawa ng kanyang Lola. Mamaya ay lumuhod ito sa lupa—sa loob ng malaking bilog na ginawa nito sa pamamagitan ng asin. Nagsasalita na naman ito sa wikang Español.

"¡Espíritu del diablo, te ordeno que reveles tu identidad en nombre de Dios!" (Spirit of the devil, I command you to reveal your identity in the name of God! )

Biglang kinilabutan si Margarita sa mga pinagsasabi ng Lola niya. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan.

Bakit tinatawag ni lola ang Diablo? Ano ang gagawin niya? nalilitong tanong ng isip niya.

Mayamaya ay biglang pinalibutan ng apoy ang Lola niya. Nakapikit lang ito habang nakaluhod at ang mga kamay ay magkasupling sa ibabaw ng mga hita nito. Napansin niya ang panginginig ng buong katawan nito. Kasabay niyon biglang umihip ang malakas na hangin na waring itutumba ang punong kahoy sa paligid niya maging ang punong kinakukublian niya. Napakapit siya nang husto sa puno at naipikit niya ang kanyang mga mata. Naririnig pa rin niya ang mga sinasabi ng lola niya sa malakas nitong tinig.

"¡No temo tu maldición! ¡Mi fe mantendrá mi fuerza para luchar contra ti! ¡Lucharé hasta la última gota de mi sangre para proteger a mi familia!" (I'm not afraid of your curse! My faith will keep my strength to fight you! I will fight to the last drop of my blood to protect my family!)

Nangangatal na ang buong katawan ni Margareta dahil sa malakas na hangin at dahil na rin sa nerbiyos. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Nang humupa ang malakas na hangin ay muli niyang iminulat ang kanyang mga mata. Napakislot siya nang mamataang nakahandusay na sa lupa ang lola niya sa labas ng ginawa nitong bilog.

"Lola!" sigaw niya.

Nang lapitan niya ang kanyang Lola ay napapiksi siya nang masaksihan ang sunog nitong mukha ngunit may pulso pa ito at nagawa pang ibuka ang bibig upang magsalita.

"Perdóname, Margareta. No protegí a nuestra familia contra la maldición del diablo. Por favor, no te olvides de rezar. Te quiero..." (Forgive me, Margareta. I did not protect our family against the curse of the devil. Please, don't forget to pray. I love you...) huling salitang iniwan ng Lola niya.

Hindi malaman ng dalagita kung ano ang dapat niyang sabihin sa kanyang Lola. Kalong niya sa kanyang mga hita ang ulo nito. Dumaloy na lamang ang kanyang mga luha nang maramdaman niya ang pagbitiw ng Lola niya sa huling hininga nito.

Labis na naninikip ang kanyang dibdib at wala siyang magawa kundi humagulhol. Kung hindi siya nagkakamali, natalo ng diablo ang kaluluwa ng Lola niya. Habang humihikbi siya'y biglang may malaki at itim na pusa ang namataan niya'ng nakaupo sa tuktok ng puntod sa tapat niya. Ang pusa ay may mapupulang mga mata.

Mayamaya ay bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat. Nang muli niyang sipatin ang pusa ay wala na ito sa ibabaw ng puntod. Nanlumo siya at sa isang iglap ay dumilim na lamang ang paligid niya....

Amor Del Diablo (El Diablo trilogy 1)Preview OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon