the start of the happy ending.

17.1K 431 4
                                    

Dumilat siya at napamura nang maalala ang nangyari. Shit. Nahimatay siya. Kalalaking tao niya. Hinimatay siya dahil lang duon. Well it's not just nothing. Sabihan ba naman siyang magiging daddy na siya sa panahong lasing siya sa alak at katatapos niya lang magtapat sa babaeng mahal niya, idagdag pa na nabitin siya.

Shit. Asan na ba si Marie. Bat hindi niya ako binabantayan. Baka na kay Sancho yun ah. Agad siyang bumangon at di alintana na nakahubad pala siya.

"Hey cuz, uso ang damit." salubong ni Sancho sa kanya.

"Baka gusto mong manghiram nang mukha sa aso. Asan ang wifey ko.?"

"Wifey? Sinong wifey? Ako ang ikakasal baka nakalimutan mo"

"Gusto mo bang mamatay?"

"Tigilan niyo nga yan" biglang sabi nang bagong dating.

Nagulat siya nang makita si Patricia.

"What are you doing here?"

"Tinawagan ako ni lolo Dado nang bigla kang umalis kagabi. Di nila alam kung saan ka hahanapin"

"Alam mo ang lahat?"

"Sorry. Oo. Kasali ako sa plano."

"Anong plano?" naguguluhan na siya.

"Ganito kasi yun cuz, alam na namin ang pagpapanggap niyo ni Marie the first time na dinala mo siya dito. Dude, seriously, you thought you can fool lolo?" sabi ni Sancho.

"Ituloy mo na ang kwento mo" sagot niya.

"Pinabayaan ka lang namin kasi you are different when you are with her. And narealize namin ni Ivannah na you are falling in love with her nang itira mo siya sa condo mo. You dont allow people to invade your space. Not even us can come. Tanga ka nga lang kasi di mo agad narealize yun"

"Tanga nga talaga yan minsan." sabat ni Patricia.

"At ikaw ano naman ang papel mo dito?" tanong niya

"Nung maghire ka nang private investigator naharang yun ng lolo mo. Dinoble niya ang bayad dito. Your lolo is much powerful than you are."

"Alam ko yun. Tapos?"

"Naghire din siya ng sarili niyang P.I. at si Mike yun."

"Your fiance?"

"Yap. So ngayon mo sabihin na hindi ka tanga. We are always a step ahead of you. "

"At nang malaman ko ang totoo tungkol sa hacienda at ang pagbubuntis ko, tinulungan nila ako kung paano ka mapapaamin na mahal mo ako at hindi ang Elise na yun." ang sabi nang babaeng magiging ina ng anak niya.

Lumapit siya dito at hinalikan ito. Agad naman itong tumugon at hindi na nila alintana na may ibang tao sa paligid nila.

"Pwede ba sa honeymoon niyo na gawin yan" saway ni lolo Dado.

"You are still a sneaky bastard lolo" sabi niya dito.

"And dont you forget it. Ang buong akala ko pa naman ikaw ang nagmana sa akin hindi pala dahil hinayaan mong guluhin kayo ni Elise."

"Si Elise i need to talk to her"

"Kinausap ko na siya hubby. Hindi na niya tayo guguluhin"

"Buti na lang kaibigan ko itong si Marie nakakatakot pala maging kaaway" sabi ni Patricia.

"Paanong?"

"Simple lang. I told her kung ano talaga tayo. She only need to know the truth. She just want people to be honest with her."

"Tsaka siya yung kasama mo nung nahuli kita sa elevator di ba?, cocktail?"

Namula naman si Noah.

her first everything, his last everythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon