3 days ng wala si Marie. Nagkakausap naman sila sa telepono. But she asked if she can stay for another 3 days. Kailangan pa daw ito ng nanay niya. The condo is so empty without her. Dati naman siyang mag isa duon pero mula ng nakasama niya si Marie napuno ang condo niya. Napuno ang buhay niya. He decided to go home. He needs his mom.
3 days na siya dito sa bagong bahay nila. She is supposed to be happy. Pero bakit malungkot siya. She is hurting. She is aching to go back sa piling ni Noah. Kahit hindi totoo ang sa kanila, feeling niya totoo ang nararamdaman niya para kay Noah. She is breaking the contract. She is falling for him. Fast and hard.
"Anak, malungkot ka." sabi ng nanay niya.
"Hindi po nay. Naisip ko lang na malapit ng matapos yung bakasyon ko"
"Mabait ang boss mo. May pabahay na. Pinautang ka pa ng pangpagamot ko. At sabi mo nga malaki ang pasweldo."
"Opo nay. Mabait yun. Kaya lang minsan masungit. Hindi ko maintindihan minsan. Minsan mabait sa akin pag kinakausap ako, minsan naman padaskol magsalita."
"Intindihin mo na lang. Mahirap magpatakbo ng malaking kumpanya. Baka madaming gumugulo sa isipan niya"
"Pwede naman siyang magsabi sa akin ng mga iniisip niya. Pakiramdam ko kasi magkaibigan kami."
"Anak, mabuti man ang pakikitungo sa iyo ng boss mo, amo mo pa rin yun. Hindi pa rin kayo magkapantay para sabihin mo na magkaibigan kayo"
Sa sinabi ng nanay niya para siyang nagising. Walang anuman namamagitan sa kanila ni Noah. Wala siyang karapatan masaktan. Kontrata lang ang meron sa kanila.
Matatapos na rin sa susunod na 2 linggo at hindi na nito binanggit ang pagpapakasal sa kanya.
Nagulat siya nang may magsalita mula sa likod niya.
"Drinking? Any problem my son?" tanong ng mommy niya.
"Nagpapaantok lang." sagot niya.
"How is Marie?"
"She's out of town"
"Kaya ba dito ka umuwi?"
"Am i not allowed to go home here? Last time i checked this is still home"
"No baby, you have found your home already"
Napakunot noo siyang napatingin sa mommy niya.
"My home is your dad, your home is with Marie. Goodnight son. I love you. Go home."
He smiled and looked around. Tama ang mommy niya. This is no longer his home.
![](https://img.wattpad.com/cover/30828588-288-k459662.jpg)
BINABASA MO ANG
her first everything, his last everything
Romancestory of true love. story of marie and noah