Helline Reen Saavedra
Monday, After one week...
*SPLASH
Bigla akong napaupo sa pagkakahiga dahil nakaramdam ako ng malamig na tubig na parang ibinuhos sa akin ng sadya habang nakapikit parin ako, tibay ko noh?
Binuksan ko unti-unti yung mata ko, at nakakairitang babae lang naman yung nasa harapan ko habang hawak hawak ang tabo. 'Teka, saan siya nakakuha ng tabo eh ni isa sa bahay walang nagta-tabo?' tanong ko sa sarili ko.
"Hoy Hell, baka may balak kang gawin na ang morning rituals mo para hindi tayo ma-late! Unang araw natin oh!" Sabi ni Vashley. Pero nagtataka talaga ako kung saan niya nakuha yung tabo, ano siya? Girlscout? 'Kailan pa nagdadala ng tabo ang mga Girlscout' sabi ko sa sarili ko. Ahh! Baka ngayon lang nauso.
"Wag kang magalala, dinala ko talaga to'ng tabo para sayo." Sabi niya habang nakangiti.
"Anong ngini-ngiti mo dyan?"
"Wow! Nagsalita na siya. Goodmorning!" Nababaliw na ata siya. Tinanguan ko lang siya at pinaalis sa kwarto at sinabi kong doon na siya maghintay sa kusina at pinagbihis ko na siya pangpasok, hindi pa siya nakabihis pero nakaligo na siya at ako nalang pala amg hinihintay niya. Anong oras palang ba? Tinignan ko yung Black and White kong wall clock at ang sabi 6:30 pa lang. Tch. Ang aga pa pala, 8:00 pa yung pasok namin, parang tarantang-taranta pa siya. Lagot talaga yun kapag natapos ako dito.
Maliligo muna ako, Chill muna kayo diyan.
Kinuha ko na muna yung twalya ko na color white at kinuha ko yung cellphone ko na color black. Oh, pati mga kulay ng mga gamit ko sinasabi ko na sa inyo. Masyado na bang halata na adik ako sa mga bagay na kahit ano basta color black? At nasabi ko na ba sa inyo na ang color ng BUONG room ko ay color Black and White at pati narin ang mga gamit? Wala kang ibang makikita na ibang color sa kwarto ko o kahit saang sulok ng kwarto, black and white lang talaga.
Pagkapasok ko sa Bathroom, pinidot ko muna yung favorite playlist sa cellphone ko bago ako maligo. Gusto niyo malaman ang laman? Share ko lang.
•She looks so perfect -5SOS
•Stay with me -Sam Smith
•Don't Speak -No Doubt
•You Da One -Rihanna
•Only -Nicki Minaj ft. Drake, Lil Wayne, Christ Brown
And my favorite song:
•Take A Bow -Rihanna
Pinindot ko na yung play and shuffle para surprise kung ano ang una, and then You Da One ni Rihanna ang nagplay tapos naligo na ako.
Wag na kayong magtaka, kasama to sa ritual ko. Gusto ko lahat ng ginagawa ko, may kasamang tunog--- Sa pagluto, Dati sa pagaaral, sa paglilinis ng kwarto, bago matulog or habang natutulog, at kung ano-ano pa dahil hindi boring kapag may sounds akong naririnig. At dahil doon, natatagalan akong maligo kasi nag-eenjoy ako. Kaya pala maaga akong ginising ni Vashley kasi alam niyang matagal akong maligo, 'kilalang-kilala na talaga ako nung babaeng iyon, grabe!' nasabi ko nalang sa sarili ko. Paano ba naman hindi ka niya makikilala ng lubusan eh, elementary palang mag-bestfriends na kayo? Hell naman eh, parang hindi na sanay. Tsk.
Vannessa Ashley Santiago
Lumabas na ako ng kwarto ni Hell, loko rin yung babaeng yun. Bakit? Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Ang weird ba namin? HAHAHA! Nahawa lang ako kay Hell.
Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si Pula. 'Ayan na naman si Pula. Tss.' sabi ko sa sarili ko. Paminsan nagtataka na ako kay pula, ang slow niya. Sayang gwapo pa naman siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/29124777-288-k186859.jpg)
BINABASA MO ANG
365 Days of happiness (Slow Update)
DiversosGaano ka nagtitiwala sa taong mahal mo? Depende kung gaano mo siya ka mahal? Kasi nagtiwala ka lang, dahil nga sa mahal mo siya? Hanggang saan? Hanggang kailan? Paano? Kailan mo ibibigay ang tiwala mo sa taong mahal mo? Kapag 1,2,4,5.... ..year...