Nakatayo ako sa may dalampasigan sinasamoy ang malamig na hangin na dumadanpi sa aking balat habang ang mga paa ko ay nababasa nang malalakas na alon. Kay sarap sa pakiramdam na nagiisa ka sa isang magandang lugar wala kang problema na iniisip tanging ikaw lang ang nakakarinig ng sarili mong tibok ng puso mo dahil tahimik. Kasabay ng simoy na malamig na hangin ang pagpikit ko ng mga mata.
Sana ay hindi matapos ang araw na ito sana lagi na lamang akong nagiisa at nakatayo sa dalampasigan. Tumingala ako sa asul na mga ulap. Kay ganda pagmasdan nito sinamahan pa nang mga ibon na lumilipad. Sana ganoon din ako nakakalipad at malaya hindi katulad ngayon, hindi ko makikita ang kagandahan ng mundo kung hindi pa ako tumakas mula sa bahay. Ang higpit kasi ng mga magulang ko lalo na si papa ang tanging gusto lamang nito ang nasusunod at sawa na ako sa buong buhay ko na makinig at sundin ang bawat sinasabi ni papa. Minsan kailangan mo rin na lumaya para sa ikakabuti ng iyong sarili. Naupo ako sa puting buhanginan nakakangalay kaya tumayo. Muling bumalik sa alaala ko ang nangyari kahapon.
"Elise!" Sigaw ni Papa mula sa taas ng hagdan. Galit ito sa akin at halos namumula na ang buo nitong mukha.
"Huwag mo akongbipilit sa gusto niyo!" Sagot ko sa pasigaw na boses.
Sawa na ako sa bubay ko sawa na ako na makinig at sumunod pakiramdam ko ay wala na akong mundo na ginagalawan dahil iba ang nag k-kontrol nito.
"How dare you na sagutin mo ako ng ganyan!"
Bumababa na ito ng hagdan at ngayon ay nasa harapan ko na ito."No, how dare you!" Sabay turo ko sa kanya.
Hindi nito inaasahan ang mga sinabi ko hindi ito nakapagsalita. At sa oras na ito ay pakiramdam ko nawawalan na ako ng galang sa aking sariling ama.
"Pakiramdam ko wala na akong karapatan mabuhay" hindi ko napihilan ang sarili na umiyak sa pagkakataong iyon mawala man lang ang nararamdamn ko.
"Paano niyo sa akin ngawa na ipagkasundo ako sa matalik mo na kaibigan na wala akong alam?" Madiin kong sabi galit ako galit ako sa sarili kong ama.
"Elise?"
"Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal"
"Hindi mo ako naiintindihan anak ginagawa ko ito para sa ikakabuti mo" lumapit sa akin si Papa ngunit umatras ako.
"Para sa akin o para sa sarili mo! Pa, hindi ako tanga at bulag para hindi malaman na gusto mo akong ipakasal sa anak ng kaibigan mo and that is bullshit!"
Mabilis ang mga pangyayari naramdaman ko na lang ang isang malakas na sampal sa aking pisngi. Hindi ako kaagad nakakilos ito ang una na sinaktan ako ng aking ama. Mali ba na kalabanin mo ang iyong ama upang sundin mo ang kagustuhan mo na lumaya.
Nang mapagtanto nito ang ginawa ay hinawakan nito amg aking balikat at hinarap ang aking mukha.
"Sorry anak"
Ngunit hindi ako nagsalita sapat na ang samapal na iyon upang patunayan ko na wala na akong karapatan na magdesisyon sa sarili kong buhay.
"I'm leaving" iyon ang lumabas sa bibig ko ng mga oras na iyon.
"Where are you going hindi kita papayagan"
Kumunot ang noo ko at winasik ang mga kamay niya.
"Alam mo ba na hiniling ko na sana hindi na lang ako nabuhay, dahil kung ikaw lang ang nagpapatakbo ng mundo ko at nagk-kontrol sa akin sana hindi na lang ako nabuhay!" Sabi ko at tinalikuran si papa. Kulang pa ang mga salitang iyon kulang pa sa lahat ng ginawa niya.
"Elise kung hindi ka babalik kalimutan mo na may pamilya ka!" Sigaw nito na nasa may main door na ako.
"Matagal nang wala ang pamikya ko" sabi ko sa sarili at tuluyang umalis ng bahay.
BINABASA MO ANG
Stranger
RandomShort story one to three chapter lang, ginawa ko ito habang nagtuturo ang professor namin sa Filipino.