ONE SHOT

14 2 0
                                    

Nandito ako ngayon sa loob ng sasakyan at nag mamaneho patungo sa ospital, dala dala ko yung isang libong colored paper. Hindi naman masamang mag baka sakali hindi ba? Gagawin ko ang lahat para tumagal pa s'ya dito sa mundong ibabaw.

Pinunasan ko na agad ang luhang nag babadyang tumulo dahil baka humagulgol ulit ako dito ng walang tigil. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din ako dito sa ospital.

Bitbit ang mga colored paper na nasa loob ng paper bag, ilang prutas at bulaklak na gusto niya patungo sa kwarto ng babaeng pinakamamahal ko.

"Hijo" Bati saakin nung papa n'ya. "Hello po, si Hestia po?" Tanong ko kay tito. "Nasa loob nag papahinga. Maiwan ko na muna kayo dito ha, ikaw ng bahala sa anak ko."

"Sige po tito." Tinapik n'ya muna ako sa balikat at tuluyan na s'yang umalis.

Binuksan ko na ang pinto at bahagyang sumilip muna.

'Ang babaeng nag sisilbing tahanan ko. I'm home baby.'

"Hestia baby? How's your day?" Nakangiti kong bati sakaniya. Naagaw ko naman ang atensyon n'ya at ngiti din ang sinalubong niya saakin. Ngiting nag papakabog ng dibdib ko. Ngiting bumihag saakin. Ngiting kahit kailan hindi ko malilimutan.

"Hmm, wala namang bago. Para namang lumabas ako dito?" Tatawa tawa niyang sabi. Pinipigilan ko talagang hindi ma-luha lalo na't ayokong nakikita ko s'ya sa ganitong sitwasyon.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sakaniya.

Tumango naman siya at nanatili pa din ang ngiti sa labi n'ya. Itinuon n'ya na ulit yung atensyon niya sa librong binabasa niya... Hindi ko na s'ya pinaki-alaman at tinitigan ko na lang s'ya.

"Bakit ka nakatingin?" Takang tanong nya saakin. Nginitian ko lang sya at umiling... "Tigilan mo nga! Naiilang ako eh!" Hinampas niya pa ako sa braso at pabirong sinamaan ng tingin. Tumawa muna ako at tinaas ko ang dalawang kamay ko tanda ng pagsuko.

Kinuha ko ang colored paper na nakapatong sa sofa at sinimulan ko na itong tupiin. Gagawa ako ng origami.

"Hmm, Jax? Anong ginagawa mo?" Sumilip pa s'ya ng bahagya sa pwesto ko dahil hindi ko sya sinagot. Ayokong sagutin s'ya dahil pag nag salita pa ako iiyak lang ulit ako. Umiling lang ako at pinag patuloy yung ginagawa ko.

Tinigilan na n'ya din ang pangungulit niya saakin marahil napagod na s'ya. Nakagawa na ako ng benteng origami, nag pahinga muna ako at sumandal sa sofa. Tumingala ako dahil nag babadya na naman ang mga luhang gustong kumawala sa mata ko saka ko s'ya tinitigan.

'Buti na lang tulog na.'

Nilapitan ko s'ya at tinignan ang maamo n'yang mukha. Tinrace ko ang mukha n'ya na parang sa pamamagitan nito makakabisa ko ang mukha n'ya. Bumalik na ulit ako sa pwesto ko at tinignan ang orasan.

Mag aalas-dies na pala. Halos dalawang oras na pala akong gumagawa dito pero bebente pa lang ang nagagawa ko. Napa buntong hininga na lang ako.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag gawa nito at nagulat ako ng bahagya ng biglang bumukas ang pintuan. "Sabi na nga ba nandito ka pa din." Bati saakin ni tita.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya saakin habang nilalapag n'ya ang pagkain sa may lamesa.

"Hindi pa po." Kamot ulo kong sagot sakaniya. "Hala ka! Kanina ka pa nandito hindi ka pa kumakain? Halika samahan mo ako."

Lumapit naman ako sakaniya at naupo na ipinaghanda nya na ako ng makakain at sumabay na siya saakin.

"Hijo, umuwi ka na muna kaya?" Sabi niya saakin na agad ko namang inilingan. "Ayoko po, sasamahan ko po ang anak niyo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thousands of Origami [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon