Chapter 10

2 0 0
                                    

✍︎︎Over the fence

Xianara Klare..

"Ano undecided pa den?" tanong sakin ni Faye habang nakahalumbaba sa may table namin dito sa milktea shop

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot,

"Hindi pa din.. parehas ko silang mahal—"

"Mali ka diyan.." putol niya sa sasabihin ko.

Kinunutan ko naman siya ng noo

"Isa lang ang mahal mo sa kanila ngayon. Oo inaamin mo sa sarili mo na parang mahal mo si Dwine, pero hindi. Guilt tsaka panghihinayang lang ang nararamdaman mo. Nanghihinayang ka sa mga promises niya, oo, sa pinagsamahan niyo, oo, pero hindi mo na din siya gusto. Ramdam kita labs, iba na ang itinitibok ng puso mo." ngumiti pa siya bago ipinag-patuloy ang sasabihin..

"Nasasaktan ka pa din dahil ganon nalang kabilis ang lahat. Nasasaktan ka dahil nasayang yung pagmamahal na ibinibigay mo. Nasasaktan ka dahil nasayang yung pinagsamahan niyo. Andon lang naman kase yung sakit na yon dahil nagmahal ka. Pero hindi yun aabot sa punto na yon na mamahalin mo ulit. Oo, namimiss mo siya pero hindi ibig sabihin non siya pa rin yung itinitibok ng puso mo.. Nagbabago ang nararamdaman labs. Hindi mo din matuturuan ang puso mo na mahalin ulit ang nakalipas dahil sa may itinitibok na ito ng iba. Hindi masamang magmahal at hindi din masamang masaktan." she smiled ate meaningly before hugging me tight.

I cried in her back

"T-Thank you f-for being h-here as always.. K-Kahit m-mahirap, t-thank you s-so much."

"Wala yun labs.." she tapped my back.

Kumalas na kami sa isa't isa at pinunasan ko naman ang mga luha ko.

"Basta andito lang ako.. nasa likod mo. Wag kang matakot mag desisyon. Basta panindigan mo. Sabayan mo lang ang mga problemang dadaan, magpakatatag kalang. Si don mo ang itinitibok ng puso mo.." sinabi niya.

𖠌𖠌𖠌

Gabi na pero, nasa may balcony pa rin ako ng apartment ko. Hindi ako makatulog.. nakatatak pa din sa utak at puso ko ang mga sinabi ni Faye kanina.

'Hindi mo na siya mahal'

'Nagbabago ang nararamdaman'

'Wag kang matakot sumugal.'

Bumuntong hininga muna ako bago kinuha ang selpon ko sa bag at may itinext.

'Kita tayo sa may Dalampasigan bukas. 7:00 am. ASAP. I'm making my choices'

Tinitigan ko muna ito bago isend. At muling tumingin sa buwan.

Tama si labs.. Tama na sundin ko kung ano ang itinitibok ng puso ko. Hindi masamang magmahal, wag kang matatakot sumugal, at lalong hindi masamang masaktan.

I thought a selenophile like me will not find her own path

𖠌𖠌𖠌

Day 11, August 10
9:23 pm
Today I was planning to give up but Faye enlighten me. Siguro kailangan ko na ngang mag desisyon. At kailangan ko na ring sumugal pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Serenade𖠌Where stories live. Discover now