Chapter 2

6 3 7
                                    

✍︎︎New boarder

Xianara Klare..

Gumising ako ng maaga para lang makalayas ako at makagala ng maaga. Dumeretso muna ako sa favorite milktea shop ko. I ordered one wintermelon na maraming sago. Mahilig ako done e.

Then nag shopping ako sa H&M, Forever 21 at sa may Penshoppe, wala rich kid e.. Rich kid amp HAHAHA.

Then pumunta ako sa may park, rumenta ako ng bike tas nag bike-bike lang. Buti nalang hindi ako nagpalda. I wear my squarepants and off shoulder.

Kumain ako ng ice cream tulad ng ginagawa ko nung bata ako kaso kulang sina Mom at Dad... wala nakakalungkot lang.

Bandang 3:00 pm na ko nakauwi.. kailangan ko nang gumawa ng forms dahil last day na ngayon. Ipapasa na yon. Graduation na bukas..

Bandang 5:00 pm yon, kaya sa umaga yung picture taking. Finally! Malala-graduate na ko!

Nakaagaw pansin sakin yung mga gamit na inaakyat sa second floor. Nandon din yung may-ari sa labas kaya nilapitan ko at nagtanong..

"May new boarder na po ba?" I asked.

"Meron na.." she answered while still looking up.

"Gwapo po ba?"

I heard her chuckle.

"Sobra.. Yan tignan mo siya.." sagot nito..

Pumasok agad ako sa loob at nakita kong nakaupo si Atlas dun sa may couch.

"Ka board mate kita?!" gulat na tanong ko sakanya. Ngumiti lamang ito ngunit nag salita din naman.

"Oo binibini.." nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya..

Myghaddddd!

"Ah h-hehe, ako nga pala si Xianara K-Klare.." inilahad ko pa talaga yung kamay ko..

"I'm Atlas Yair.. Kinagagalak kong makilala ka.." pagpapakilala din nito..

Sa kabilang banda, naalala ko yung form ko.

"Una na ko, may gagawin pa ko eh." sabi ko sabay kamot sa batok.

Tina po ako yun sa isang oras at lumabas ng kwarto para tingnan kung anjan pa ba si Atlas. Nakita kong nanonood siya ng TV!

"Uhm.. Atlas, tapos mo na ba yung form mo?" tanong ko.

"Um.. Tapos na, ipapasa nalang.. Pasensya na ah, nagbukas agad ako ng tv" sagot niya.

I immediately smiled at him.

"Kung sabay nalang kaya tayong magpasa?" tanong ko.

"Hm.. Tara!"

Nagulat ako nang hilain niya ko para umakyat kami sa second floor. Nakaramdam ako tila ng pagkakuryente. Hanggang sa itaas hawak niya parin ako.

"Wait Lang, diyan ka lang."

Pumasok siya sa loob ng apartment niya at lumabas na dala yung ipapasa niya.

𖠌𖠌𖠌

5:02 pm, na nang nakarating kami sa university.. Hindi ito nagsasarado kahit linggo dahil may pumapasok din naman.

Dumeretso kami nang library dahil sabi nung guard ay nandon daw yon. Madilim na sa library. Halos wala ding ilaw dahil pundi ito.

"Maam?" sabay naming sabi ni Atlas.

Nagsisilip kami sa mga bandang dulo pero wala ito don. Dahil nga sa sobrang dilim, natalipid ako kay Atlas.

Pagmulat ko.. I saw his face shocked for what happened. Me and Atlas in an awkward position.

"Mr. Bautista? Mr. Guzman?" nasilaw kami dahil sa ilaw na nagmumula sa flashlight. At nakita namin si Ms na nagtataka sa nakita..

𖠌𖠌𖠌

Day 3, August 2
10:32 pm
AWKWARD, ganyan ispell ang mga nangyari kanina.. Nalaman kong yung iniistalk ko ang boardmate ko! Nagkaron pa ng awkward scene at sobrang pula na nang mukha ko sa kahihiyan.. Myghadddd Xianara!

Serenade𖠌Where stories live. Discover now