03

9 2 0
                                    

03

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

03

Sinimulan kong magsaliksik
Mula sa mga sulok at sahig
Doon nakita ko ang mga litrato't alaala mo,
Kitang kita kong masaya ka sa larawang nakuha ko,
Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko,
Kung bakit nagawa parin kitang itarantado,
Madaming bagay ang nagpapatunay na special ka kumpara sa iba
Kung tutuusin swerte na ako dahil akin ka
Hindi ko na kailangan manalo sa loto
Dahil sayo palang panalo na ako
Ikaw at ako parang tsokolate at mangga
Para tayong mentos at coke
Na kapag nagsama may masamang kalalabasan
Kumbaga hindi tayo para sa isa't isa
Pero dahil mahal natin ang isa't isa heto tayo nagsama
Putangina dahil nakahanap ako ng iba
Nakahanap ako ng kapareha na magkiclick sa pagkatao ko
Walang pasabi iniwan kita
Nakailang tawag ka pero hindi ako sumagot
Dahil ang akala ko ikaw ay maghahabol
Pero mali ako
Nasa piligro kana pala noong mga araw na yon
Habang ako masaya kasama tong kabit ko
Ikaw nakasalubong ng demonyo
Umuwi ako sa bahay para kunin ang gamit ko
Pero bago ako makapasok nakita ko sila mama sa pinto
Dinig ko ang lakas ng iyak nila kaya naman lumapit ako sandali para tignan kung anong meron sa loob
Nakita kita naliligo sa sariling dugo, nakahandusay at walang saplot...
Nanlambot ang tuhod ko
Nangako akong poprotektahan kita
Pero kung kailan kailangan mo ako
Saka ako nagpakasasa at humanap ng iba
Habang ikaw nasa peligro na pala...

© micacraige

puc source: pinterest

RANDOM POEMSWhere stories live. Discover now