04
Ang ngiti mong napakaganda
Nagpapaalala sa akin na 'di ako dapat mangamba
Kase nandyan ka—
Alam ko nandyan kaSasamahan mo ako hanggang sa pagtanda
Sabay tayong mag-iipon ng masayang alaala
Ikaw at ako,
Tayong dalawa hanggang duloWalang makakapag hiwalay kahit sino
Kahit na ano
Kahit si kamatayan susuko
Dahil tayo'y nangakoPero hindi ko alam
Kase bigla ka nalang nawalan ng pakealam
Ang mga suyo ko parang ayaw mo nang pakinggan
Bawat regalo ko tinatapon mo nalang sa basurahanIbang-iba kana
Ang layo mo sa taong minahal ko ng sobra
Pero ayos lang,
Mahal kitaIsang araw gumising ako
Wala ka na sa tabi ko
Akala ko nasa kusina ka't nagluluto
Naghahanda ng almusal para sa mahal moSinuyod ko ang bawat kwarto
Pero wala akong nakita kahit anino mo
Pinapalakas ko parin ang loob ko
Tinanggal sa isip na baka iniwan mo na nga akoIlang oras pa akong naghintay
Hindi na ako nakapaghilamos o sipilyo manlang
Sa ilang oras na paghihintay
Sa wakas nagparamdam kaNagmadali akong buksan ang telepono ko
Excited na tignan ang mensahe mo
Na uuwi ka na at hihintayin kita
Pero mali akoNatunaw ang saya sa katawan ko dahil sa sinabi mo
Parang gumuho ang mundo ko
Dahan dahan kong binasa ulit ang mensahe mo
Baka kako nagkamali lang ako“Ayoko na sa'yo
Sawa na ako
Iba na ang mahal ko
Mabuti pang tapusin na natin 'to”
@micacriage
pic source: pinterest
YOU ARE READING
RANDOM POEMS
Poetryjust a random poems i wrote when i was in junior high 'till now.