Chapter 8

8 7 0
                                    

Tim's Point of View

Masiyadong abala ang lahat sa paghahanda. Lahat ay may ginagawa. Kahit saan ako tumingin ay may kanya-kanya silang kina-bu-busy-han.

Ang mga kawal ay inutusan ng hari na gumawa ng napakaraming armas. Nangunguna na rito ang pag-gawa ng mga pana. Sinabi ni Amarra sakanila ang ginawa naming pagpapaulan ng pana sa mga bandido na hindi manlang nila nagawang makita kung saan iyon nanggagaling. Dahil lahat ng mamamayan ng bayang ito ay may kakayahang humawak ng pana ay isi-nuggest ni Amarra na sila nalamang ang magiging taga asinta mula sa taas.  Anim ang nakapalibot na turret sa labas ng palasyo. Sila ang inatasang pumwesto sa turret sa oras na bumalik ang mga bandido at kami naman kasama ang mga kawal ang makikipaglaban ng harap-harapan.

Habang gumagawa ng mga armas ang mga kawal, ang mga mamamayan naman ang naatasang gumawa ng mga lason. Mas delikado at nakakamatay ang lason na ginagawa nila ngayon kumpara sa lason na ginamit nila kay Keia.

Kami naman ay naatasang magsanay sa paghawak ng mga sandata at mas maging handa sa pakikipag-laban.

"Wala ka sa mood?" tanong ko nang mapansing tahimik lang si Andrei na nakaupo sa tabi habang kami ay nag-eensayo. Isang linggo na rin ang nakalipas nang magsimula kami sa ganito.

"Kailan kaya matatapos 'to, Tim? Gusto ko nang makabalik tayo sa dati."

"Handa ka nang harapin ang delubyo?"

"Hindi pa. Pero kung yun lang ang hinihintay para makalabas tayo dito buong tapang ko itong haharapin."

"Kahit ako ay ganyan ang nararamdaman."

"Ang saya niya."

"Nino?" taka kong tanong sakanya. Nakatingin siya sa malayo at kaagad ko ring tinanaw ang tinitignan nito.

"Oh sige, isa pa."

"Hahaha. Ayaw ko na. Ang daya mo eh!"

"Hindi ako madaya. Come here, I will teach you some techniques."

"Sigurado kang effective 'yan ha."

"Oo naman. Kailan ba kita tinuruan ng hindi effective?"

"Woi. Oo na. Ang galing naman kasi talaga ng mentor ko eh."

"Lahat ng itinuturo ko ay sinasaulo mo ba?"

"Yes."

"Good. Dahil lahat ng iyan ay para sa kaligtasan mo."

Nawala ang tingin ko sa dalawa nang maramdaman kong tumayo si Andrei at naglakad palayo.

"Hey! Where are you going?" habol ko sakanya.

"Pagod lang ako. I just want some rest."

"Hindi kita nakitang mag-ensayo pero pagod ka?" tanong ko na ikinahinto niya sa paglalakad.

"Kapag ba sinabing pagod ay katawan lang posibleng mapagod?" sagot nito sa'kin na nakuha ko naman ang ibig sabihin nito.

"Umamin ka na kasi."

Huminga siya ng malalim habang nakatingin sa kung saan bago ako tinitigan ng seryoso. "Do you think it would be that easy? Bestfriend lang ang tingin niya sa'kin, Tim."

"Parang hindi mo naman alam ang sa'min ni Keia. Ganiyan na ganiyan din ang sitwasyon namin."

"Kung wala tayo sa impyernong ito baka magagawa ko pa yang sinasabi mo."

"Why? Hindi magiging hadlang ang impyernong kinaroroonan natin kapag mahal mo talaga ang isang tao, Andrei."

"Not until that Klev, came."

"Tayo ang dumating hindi siya."

"I mean, dumating siya sa buhay natin. Sa buhay ni Amarra. Simula noong makapasok tayo dito ay madalang ko nalang siyang makasama. Ni hindi ko na nga siya nakakausap kung hindi pa ako magtatanong sakanya eh. Dahil palaging si Klev. Palaging si Klev na lang ang kasama niya."

Nakaramdam ako ng awa dahil sa kaibigan ko. Lalaki rin ako at alam kong naaapakan ang ego niya dahil alam niya na si Klev ang nakakagawa ng mga bagay na dapat siya ang gumagawa. Alam kong hindi mahina si Andrei. Alam ko ang mga kakayahan niya. Sadyang natatabunan lang iyon ng nararamdaman niya. Wala siyang lakas ng loob.

Hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin. Kahit gusto ko siyang samahan ay nagpumilit itong huwag na. Wala na akong nagawa kundi ang iwan siya at hayaang makapag-isip-isip. Bumalik na lang ako sa field upang magpatuloy sa pag-eensayo.

"Tim! I'm tired na. Samahan mo ako." si Keia habang papalapit sa akin.

"Where?"

"I'm thirsty. I need some water."

"Okay, stay here. I'll get you some."

"No! I want to come with you. Tsaka.. I need some rest! Gosh. I hate this hell."

"You want to sleep? Ihahatid na kita sa kwarto niyo."

Umiling siya. "No, thanks."

"Pero pagod ka."

"I'm already resting when I'm with you." sagot nito na nagpangiti sa'kin.

"Masyado mo talaga akong mahal."

"Ang hangin mo. Let's go na." sabi niya at hinila na ako papasok sa loob.

"What do you think about Amarra?" mayamaya ay tanong ko. "Palagi kayong magkasama. Wala ba siyang nababanggit sa inyo ni Sab?"

"Wala naman. Basta our friend was so cool! Ang astig niya super. I adore here, so much. Naging Action star siya bigla."

"Kamusta sila ni Klev?"

"Huh? Klev and Amarra? They're good friends. Nag-away ba sila? Nakita ko pa nga sila kanina--"

"Don't mind it. Here's your water." putol ko sa sasabihin niya dahil mukhang wala siyang alam. Walang alam or baka ako lang itong nagiisip ng masama? I know Amarra. Pero.. nahahalata din naman ni Andrei iyon eh. Psh. Maybe we're just paranoid.

"Sabi nung mga kawals ni Mr. Sovran done na raw yung bulletproof natin." sabi ni Keia na ikinakunot ng noo ko.

"Bulletproof? Kei, walang baril dito. Bakit may bulletproof?"

"Ahh basta! That metal thingy na isinusuot ng mga kagaya nung sa knight and shining armor. I forgot kung what do they call it eh!"

Natawa ako. "Armor suit yun. Tara at sabihin natin sakanila. Baka kailanganin natin."

"Kaya nga. I'm scared kaya. Baka masaksak ako tapos deads na akong makabalik sa atin."

"Don't say that. Ingatan mo ang sarili mo, Keia. Please."

"Yeah. Pero hindi natin masabi ang hinaharap. Malay mo.. malay natin.. baka kapalaran ko pala ang mamatay dito in the end."

"Kei. Please stop talking."

"Ay, sorry. Naiingayan ka ba sa'kin?"

"No. Ayaw ko lang ng mga sinasabi mo."

"Yiiee naman. You don't want me to die?"

"Kei? I said stop that. Kahit sino ay hindi gugustuhin yan."

"Okay. Okay. Sorry na." natatawang sagot niya. "You cared for me that much huh. Let's go!" nakangiti niya akong hinila at niyapos sa braso ko.


GehennaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon