HCHOM 5

109 4 0
                                    

Fana
.
.
.
"You're too cute."

I fake a cough. May problema ba tong mokong na toh sakin?

"Kuya Kaiser, may sakit ka ba?" Naniningkit ang mga matang tinapunan siya ng tingin. Nagtatanong kung ayos lang ba ito o hindi. Bakit bigla na lang kasi siyang magsasabi ng cute ako? Alam ko naman na totoo yun pero, may mali ba sa pandinig ko o sadyang may pagkapassionate sa boses niya kanina?

And hello, "Hindi ako aso, okay. Bakit bigla ka na lang namumuri diyan? You sounded like Noah." I hissed crossing my arms above my chest, and straightened my back. Nakataas rin ang aking mga kilay habang nakatitig pa rin sa kanya.

Nakakangalay ang tangkad niya pero mas masarap sa eyes ang view ng mukha at katawan niya from here. Charr. Pero syempre hindi isang biro ang makaharap ang tulad ni Kaiser. Dahil nga ka-level niya si Noah, the looks and aura that they emitted really makes people go crazy.

Its not an exaggeration. Because sadly, its a fact in this crazy society.

Di ba nakakabaliw?

He has his eyes on me, but it looks serious for a reason that I couldn't guess. It only took another second before he hooked the corner of his lips upwards, and formed a smile. It was overshadowed by the contrast of the light. It wasn't a simple smile, dahil sa ngiti niya ngayon sa akin ay halatang inaasar niya ako.

Do I looked like someone who'll expect na sana totoo na lang ang papuri niya sa akin kahit na tunog pang-aso iyon?

Dahil sa kailaliman ng aking budhi ay mayroong nagsasabing, sana nga totoo iyon. Nakakainis kasi kapag pupuriin ka tapos babawiin lang naman nila pagkatapos sabihin iyon. I really hate it. Magkalevel nga talaga sila ni Noah. Napakataas pa naman ng expectation ko.

Kaya lagi akong nasasaktan eh. Badtrip talaga.

Pareho rin silang nakakabadtrip. Letse~

"Tsk. Kung mang-aasar ka lang naman, wag mo'kong kausapin." I frowned at him bago ko ito itinulak palayo sa akin. Tumayo rin ako at pilit na tumitingkayad para makapantay ang height nito ngunit bigo ako sa aking plano.

I gave up and threw a glare at him, nag-aalburoto sa inis sa kanya.

Tuluyan itong tumawa dahil sa ginawa ko at inilagay sa ibabaw ng aking ulo ang isa nitong kamay.

"Magpatangkad ka muna." He then said mocking me with a snicker. I hissed at him bago ko ito bigyan ng hampas sa braso but he just laughed at me like it didn't matter at all. Inulit ko ang paghampas sa kanya ngunit sinalo nito ang aking kamay, clasped it with his hand and pulled me a little, closer to him.

Nagulat ako sa ginawa nito lalo na nang lalong lumapad ang kanyang mga ngiti. We're only inches away from each other and a little move I take ay maaaring ikatumba ko papunta sa kanya ng tuluyan. Kung hindi lang awtomatikong umalalay ang isa nitong kamay sa aking tagiliran, siguro ay kanina pa talaga ako nakasandal sa kanyang dibdib.

He leaned a little wearing his handsome grin on his face and from this position, I could smell his manly and clean minty scent coming from his breath. Its warm too and almost choked me. Hindi ako makahinga bigla.

*dubdub*

Galing ba iyon sa aking dibdib?

*dubdub*

Nakakapangilabot naman.

"Kuya Kaiser, layo~ tsupe." Pilit kong pinakalma ang aking sarili bago ito suwayin at itulak ang mukha nito ng isa ko pang palad, lalo na nang makaramdam ako ng isang kakaiba at wirdong pakiramdam kanina. At sinong manhid ang hindi mapapalukso at di mapapakali, kapag tulad ng mukha niya na ilang sentimetro na lamang ang layo sa iyong paningin?

He Choose Her Over MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon