Simula

2 0 0
                                    


Ako yung taong laging nagbibilang ng araw at oras. binibilang ko ito at laging nagdadasal na sana bumilis ang panahon para lumaki na ako, magkaroon ng trabaho at mag earn na ng sarili kong pera para hindi na ako pabigat sa mga kamag anak ko. para hindi na ako nakikitira sakanila.

bata pa lang ako ng mamatay ang mga magulang ko dahil sa car accident. sila yung namamahala sa negosyo namin kaya nung nawala sila bumagsak ito. masyado pa akong bata nun kaya wala pa akong alam sa negosyo, kaya naman sinalo ng mga kamag anak namin ang pamamalakad sa negosyo namin ngunit dahil wala silang alam sa negosyo, bumagsak ito at tuluyan ng hindi nakaahon.

naibenta ang negosyo namin sa ibang pamilya kaya naman ito ako lugmok at walang sariling tirahan, nakikitira lamang ako sa mga kamag anak namin. dahil lahat ng asset namin pinagkukuha na ng bangko.

nagpapasalamat ako sa mga kamag anak ko pinag aral nila ako, ngunit lahat ng binibigay ay hindi libre kaya kailangan kong mag astang katulong sakanila kapalit ng pag aaral at pagpapakain sakin.


ito ako ngayon tumatakbo dahil malapit na akong malate sa klase ko. first year college na ako at may kursong architecture, hindi kaya nila tiya ang gastusin ko sa eskwelahan kaya naman nag apply akong scholar sa mga eskwelahan para baon ko na lang ang proproblemahin kong ibibigay nila tiyang abel.


5 minutes na lang late na ako kaya todo takbo ako, bitbit ko pa tong plate ko na ipapasa na ngayon sobrang strict ng prof namin sa subject na to plus first subject pa namin siya ngayong araw, kung sinuswerte ka nga naman oh 


nakalabas na ako sa subdivision nila tita ko. kailangan kong tumawid upang makapara na ng jeep. nagmamadali akong tumawid ng muntik na akong mabangga ng itim na SUV


"ay anak ng tipaklong!" nahulog ko ang plate kong pinaghirapan ko magdamag na rason ng pagiging late ko. kitang kita kung paano yung nadumihan at nalukot dahil sa pagkakagulat ko kanina, nahulog ito at naapakan ko pa

piling ko may music na slow habang tinitignan kong mukhang basahan yung plate ko, jusko po pasahan na ngayon nito kailangan kong imaintain ang grades ko kung ayaw kong mawala ang sacholar ko.

"Miss? I'm sorry, I did not see you" isang baritonong lalaki ang kumakausap sakin habang nakatingin ako sa plate ko, naiiyak na


ready na akong sigawan siya kaya naman hinarap ko siya para damang dama niya ang sasabihin ko 


kaya lang tiklop ang bibig ko dahil isa lang namang mala anghel na lalaki ang nasa harap ko, naka long sleeve na puti at slacks na black, naka sapatos ng black yung necktie  niyang dark blue ay bagay na bagay sakanya

makapal ang kilay na tamang tama lang sa mukha niya, madidilim na mata at makakapal na pilik mata, matangos ang ilong at kissable lips, naka clean cut anng buhok niya at ang linis linis niyang tignan. 


"Miss? are you ok?" 


shocks ang lalim ng boses nya nakakbighani 


"okay na okay" sabi ko ng wala sa sarili

"huh?" kumunot ang noo niya sa sagot ko kaya nabalik ako sa realidad


" hoyyyy nagmamadali ako at late ako alam mo ba yun?! tapos yung plate kong pinagpuyatan ko kagabi pasahan na ngayon ito sobrang dumi na! alam mo bang scholar ako ha?! kapag nawala yung scholar ko ikaw magbayad ng tuition fee ko!"


talagang todo todo yung lakas ng boses ko para maramdaman niya yung inis ko. oo at gwapo siya pero hindi ako mapapakain ng kagwapuhan niya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Different WorldWhere stories live. Discover now