Kilala ako ng mga nakakasalamuha ko bilang Inno. Bente nuebe anyos, may katangkaran, katamtaman ang katawan, at kayumanggi ang balat. Masasabi kong may itsura rin, dahil may iilang nagkakagusto sa akin na babae sa amin. Siguro dahil lalaki ako kung kumilos at magsalita, pero marami silang hindi alam tungkol sa akin at sa mga kaya kong gawin para sa tawag ng laman.
Nasa huling taon na ako ng kolehiyo sa isang paaralan sa Maynila. Nahuli na ako sa pagtatapos dahil kinailangan kong huminto pansamantala sa pag-aaral para magtrabaho. At dahil pampublikong unibersidad ang pinapasukan ko, laging may mga nakabantay na militar sa may entrada ng aking pinapasukan. Malapit din kasi sa kampo nila ito. At kahit pa bawat tatlong araw ay nagpapalit-palit ang mga naka-duty, kabisado ko na ang mga napapadpad doon dahil sa iba't ibang hugis at porma ng kanilang mga maskuladong katawan. Mga halatang batak sa pag-eensayo dahil sa ganda ng lapat ng uniporme nila sa kanila.
Tuwing pumapasok ako nang umaga galing sa maliit naming tinitirhang paupahan sa may Ermita, pasimple kong tinitingnan ang mga pantalon nila. Dahil kahit nakasuot sila ng camouflage uniform, laging may natsetsempuhan akong mga nakaumbok. Kaya lagi akong may ganang pumasok, dahil habang naglalakad ako papunta sa room ay iniimagine ko ang mga matitigas at mababango nilang mga alaga, dahil kakapaligo pa lamang nila. Iniisip ko rin minsan kung paano kaya nila nagagawang magsarili at magparaos lalo na't sila-sila lang ang nasa kampo at mga destino.
Kapag tapos naman na ang klase ko sa hapon o gabi, sinisigurado ko pa ring makakadaan ako sa pwesto nila. Pasimpleng sumusulyap sa kanilang mga pantalon, habang pilit silang inaamoy kapag napapadaan. At sa tinagal-tagal nang paggawa ko nito, pansin kong laging mabango at laging may umbok sa pantalon ang isang sundalo na may apelyidong "Marquez" na nakatahi sa kaniyang uniporme. Siya ang paborito ko sa kanilang lahat.
Dagdag pa sa mga ito, lalaking-lalaki ang boses ni "Marquez." Mas matangkad siya sa akin nang kaunti, kayumanggi rin, at laging nakangiti. Sa tantsa ko, nasa mga bente-kwatro anyos pa lang siya dahil di hamak na mas bata siyang tingnan kaysa sa mga kasama niya.
Kung bibigyan lang ng tsansa, gusto kong siya ang makauna sa akin. Kahit magdamag pa, hindi ko siya susukuan.
At hindi nga nagtagal, hindi ko inaasahang matutupad ang aking hiling. May sobra pa.
BINABASA MO ANG
SUNDALUHAN : Sina Gregorio, Tizon at Marquez
Short StoryIsang maikling kuwento tungkol sa isang gabing puno ng libido sa buhay estudyante ni Inno, at ng tatlong maskuladong sundalo na sina Gregorio, Tizon, at Marquez. Ihanda ang sandata! Iputok na!